Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rumors of suicide attempt irks Hayden Kho Jr


Upang pabulaanan ang mga ulat na nagtangkang magpakamatay si Hayden Kho Jr., nagpakita ng larawan ang kanyang abogado na kuha nito habang nakaratay sa ospital. Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinakita ni Atty. Lorna Capunan ang larawan ni Hayden na kuha sa cellphone kung saan makikita na masaya at malinis ang mukha ng dating nobyo ni Dra Vicky Belo. Ang larawan ay taliwas sa mga naglabasang balita na nagtamo ng mga sugat sa mukha si Hayden nang makita umano sa taniman ng pinya sa Cavite. Idinagdag ni Atty Capunan na masama ang loob ng kanyang kliyente sa mga naglalabasang balita tungkol sa kanyang muling tangkang “magpakamatay." Batay sa kuwento ng mga testigo na tumulong kay Hayden, nakita nila ito na nakahandusay sa taniman ng pinya na may mga sugat at tila sipon at laway sa mukha.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Maging ang talent manager at TV host na si Lolit Solis ay hindi makapaniwala sa lumabas na mga ulat tungkol kay Hayden. Wala daw siyang nakikitang dahilan para magpatiwakal ang binata. “Isang guwapong katulad niya tapos lahat ng good taste nasa kanya, lahat nagtataka naman ako. Pati place na ‘to, he supposed to be an investor here, ‘di gagawin n’ya ‘yon," pahayag ni Manay Lolit. Nitong Lunes ay napag-alaman na nagsampa ng appeal si Capunan sa Professional Regulation Commission (PRC) kaugnay sa naging desisyon ng komisyon na tanggalan ng lisensiya si Hayden bilang duktor. Ang pagkakatanggal ng lisensiya ni Hayden ay bunga ng inihaing reklamo ng aktres na si Katrina Halili dulot ng lumabas na sex video nila. “Nakakalimutan yata ng public na this pornography issue, the issue who distributed this what we called sex videos has not been resolve," paalala ni Capunan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV