Filtered By: Showbiz
Showbiz

Krista Ranillo’s co-star Bianca King thrown out of tent while shooting Wapakman


Kinumpirma ni Bianca King na sumama ang loob niya kay Krista Ranillo dahil sa pagpapaalis sa kanya sa tent na ginagamit nila sa shooting ng pelikulang Wapakman kung saan bida si Manny Pacquiao. Sinabi ni entertainment reporter Nelson Canlas na bakas pa sa mukha ni Bianca ang pagkainis nang ikuwento ng dalaga ang nangyaring insidente sa shooting noong nakaraang Linggo, Ayon kay Bianca, magkasama sila ni Krista sa tent na gamit sa shooting. Pero nang sandali siyang lumabas, nagulat daw ang aktres nang makita sa labas ng tent ang kanyang mga gamit. Kung tutuusin, wala raw kaso kay Bianca kung paalisin siya sa tent. Ngunit ang hindi umano niya nagustuhan ang tila pag-insulto sa kanya dahil hindi siya sinabihan sosolohin ng grupo ni Krista ang lugar.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “’Di naman issue sa akin young space, its more of the respect and courtesy," pahayag ni Bianca sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Idinagdag ng batang aktres na nauna siyang sinabihan na may nagtatangka umano sa buhay ni Krista mula nang maugnay ito kay Manny. Ngunit hindi raw kakagatin ni Bianca kung palalabasin na siya ang magtatangka sa buhay ni Krista na kaibigan niya. “Kung feeling nila manggugulo lang ako dun madali naman akong kausapin," sambit ni Bianca. Paglilinaw naman ng aktres, humingi raw ng paumahin sa kanya si Krista at sinabing hindi nito alam ang pagpapaalis sa tent. Batay sa kuwento ng ilang nakakita, sinasabing ang tiyahin ni Krista na si Suzette Ranillo ang nakitang naglabas ng gamit ni Bianca sa tent. Sinubukan ng GMA News na makuha ang panig ni Suzette pero hindi pa raw ito sumasagot sa text at tawag. Nakiusap naman ang manager nina Bianca at Krista na si Arnold Vegafria na huwag ng palakihin pa ang isyu dahil nagkasundo na raw umano ang kanyang mga alaga. - Fidel Jimenez, GMANews.TV