Driver patay: Kotse sumabog sa car park ng The Fort sa Taguig
12/15/2009 | 04:44 PM
MANILA – Patay ang driver ng isang Honda Civic nang sumabog ang kotse nito habang nakaparada sa loob ng The Fort Global City sa Taguig City nitong Martes.
Sa panayam ng GMANews.TV, sinabi ni Police Officer 3 Dex Cabrera, na dakong tanghali nitong Martes nang matanggap nila ang ulat tungko sa naganap na insidente.
Ayon kay Cabrera, nangyari ang insidente sa 11th Avenue sa harap ng Serendra mall at Fully Booked bookstore.
Kinilala naman ni Chief Superintendent Leonardo Espina, tagapagsalita ng Philippine National Police, ang nasawing driver na si Remigio Tan, may-ari ng isa sa mga tindahan sa mall.
"May edad na raw ito. Nagmamaneho ng sasakyan. Ipaparada ang sasakyan malapit sa Serendra nang bigla na lang sumabog... pumutok habang pumaparada," ayon kay Espina.

Pinawi naman kaagad ni Espina ang pangamba na gawa ng mga terorista ang pagsabog, "Ay hindi naman siguro . He was just a proprietor there. An entrepreneur. It's hard to conclude at this time."
Hanggang ngayon ay inaalam pa umano ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagsabog ng kotse. Nakatutok umano ang imbestigasyon sa makina ng sasakyan.
"It appears in the initial investigation na tuluy-tuloy ang combustion sa engine," pahayag ni Chief Supt. Jaime Calunsod, director ng Southern Police District director, sa isang panayam sa telebisyon.
Ayon sa isang blogger na si Judd Sta. Maria, nakita niya ang sasakyan na may plakang TNM-865 na pumasok sa basement ng Serendra at biglang sumabog.
"I think the car was going down to the parking area," pahayag niya sa panayam sa telebisyon.
"(W)e heard a loud explosion from our office at Bonifacio High Street. Within seconds, sirens were sounding off and security guards downstairs were rushing towards Serendra. We were curious, but were a little afraid, too; I quickly grabbed my camera and sprinted to that direction and behold, a car entering the Serendra basement parking was there up in smoke," kuwento ni Sta. Maria sa kanyang blog na, juddstamaria.com. - GMANews.TV

Kuha ng blooger na si Judd Sta Maria sa kotseng sumabog sa The Fort sa Taguig kung saan nasawi ang nagmamaneho ng Honda Civic.