Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

Lolit Solis dares Hayden Kho Jr.

Hinamon ni Lolit Solis ang kontrobersiyal na si Hayden Kho Jr na sumalang sa interview ng mga host ng Startalk ng GMA 7 kung totoo na wala itong galit sa palabang host at talent manager.

Inihayag ni Manay Lolit ang hamon kay Hayden nitong Sabado sa one-on-one interview na ginawa sa kanya ng kapwa host sa Startalk at kinikilalang entertainment guru, na si Joey de Leon.

Kinunan ni Joey ng reaksiyon si Lolit matapos ipakita sa programa ang taped interview kay Hayden kung saan nabanggit ng dating nobyo ni Dra Vicky Belo na wala siyang galit kay Lolit.

“Hindi raw siya (Hayden) galit, kahit galit ka sa kanya," pambungad na tanong ni Joey kay Lolit.

“Alam mo sana lahat ng sinasabi ni Hayden totoo ‘di ba? Napakahusay niyang magsalita, sana man lang totoo ang sinasabi niya," hirit ni Many Lolit. “Dini-dare ko siya, kung talagang hindi siya galit sa akin mag-guest siya rito at magpa-interview sa atin."

Sinabi ng talent manger-host na lilitaw na sinungaling si Hayden kapag hindi nito ginagawa ang kanyang mga sinasabi.

Nang tanungin ni Joey si Lolit kung bakit tila ayaw ni Hayden magpa-interview sa Startalk, tugon ni Manay Lolit, “Takot siya. Napakatalino mo (Joey), napakatalino rin ni Ricky Lo, napakatalino ni Butch (Francisco). Ako nga lang ang bobo sa ating apat (na host) e, kaming dalawa ni Alyssa (Alano)."

“Kaya dumating siya rito para makita natin kung nagbago na talaga (siya)," hirit pa ni Lolit na nagsabing babatiin niya si Hayden kapag nagpakita ito sa programa.

“Oo talaga dini-dare ko siya magiging mabait na ako sa kanya magpa-interview lang siya sa Startalk para makita ng tao," patuloy niya.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

New Year resolution

Hiningan din ni Joey si Lolit ng reaksiyon sa wish list ngayong Bagong Taon ng dati nitong alaga na si Hayden na “HIS" (humility, integrity and service).

“Paano magkakaroon ng integrity ang isang tao na gumawa ng sex video…? Paano siya magkakaroon ng mga ganung quality samantalang may ginawa siyang kababuyan?," banat na sagot ni Lolit na nasusundan ng pagbibiro ni Joey na nauuwi sa tawanan sa gitna ng panayam.

Paniwala ni Lolit, gumagawa lang umano ng ingay muli si Hayden para mapansin ng media at magkaroon ng publisidad.

“Joey isang bagay ang sasabihin ko s’yo, kaya lumabas na naman si Hayden, kaya may mga ginawang ganyan, sabik na sabik naman ‘yan na makita ang sarili sa TV at sa mga diyaryo. Napakahilig niya talaga sa publicity," ayon kay Manay Lolit.

‘Yan ang tingin mo? dugtong na tanong ni Joey.

Oo! Talaga," madiin na balik na sagot ng co-host.

Matapos ang iskandalong dulot ng sex video scandal sa ilang babae kasama na si Katrina Halili, naging laman muli ng mga balita si Hayden dahil sa desisyon ng Professional Regulatory Commission (PRC) na alisan siya ng lisensiya sa pagiging duktor.

Nasundan ito ng umano’y pagtatangka ng binata na magpakamatay nang makita siya sa taniman ng pinya sa Cavite. Ngunit mariing itinanggi ng kampo ni Hayden ang naturang balita.

Own lies, self love


Sunod na tinanong ni Joey kay Lolit kung totoo ang mga balita na may ibang lalaki na nagugustuhan si Dra Belo.

“Alam ko kasi yung bago nilang operation manager talagang ano ‘yan, kapatid ‘yan ni Ira Cruz (isang band member). Parang inaano ‘yon ni Vicky na sana maging boyfriend ni Cristal (anak ni Dra Belo). Kaya lang kinakabahan ako, noon din ang balak niya maging boyfriend ni Cristal si Hayden… napunta kay Vicky," ayon kay Manay Lolit.

“Tingin mo in-love pa siya (Hayden) kay Belo?," pahabol na tanong ni Joey.

“Si Hayden ang nakikita ko sa kanya in-love siya sa sarili niya. Hindi siya mai-in-love sa kahit kaninong tao, sarili n’ya lang," sagot ni Lolit.

Nang hingan si Lolit ng mensahe para kay Hayden, sinabi ng talent manager na labis siyang nanghihinayang sa binata dahil sa nangyari sa career nito bunga ng lumabas na sex video scandal.

“Ako hinayang na hinayang kay Hayden, isang guwapo…doctor, magada naman ang pamilya. Nagpunta na kami ni Ricky Lo sa bahay nila, nakita naman namin na okey ang pamumuhay pero ba’t ganun siya?," tanong ni Manay Lolit.

“Punong-puno siya ng kasinungalingan. Para sa isang tao na nakita ng napakaraming mga witness na nakita siyang nasa pinyahan (sa Cavite), tapos sasabihin niya ibang tao ‘yon (nakita)," dagdag niya.

Kung talagang nais umano ni Hayden na saktan ang sarili, sinabi ni Lolit na hindi na kailangang bumiyahe ang binata sa Tagaytay.

“Ba’t hindi buksan ang bintana at tumalon, di ba? ‘yon lang. Hindi mo na kailangang bumiyahe, kung talagang gusto mo, buksan mo bintana tumalon ka," mungkahi ni Lolit.

“Basta ang nakikita ko kay Hayden, he believed his own lies, ‘di ba?," deklara ng talent manager-host. – Fidel Jimenez, GMANews.TV
ADVERTISEMENT
SC asked to reverse decision allowing Arroyo to seek House seat
2010-03-19 12:20:06
Akbayan Rep. Risa Hontiveros on Friday asked the Supreme Court to reverse its decision allowing...
Pope's Irish letter faces critical Catholic world
2010-03-20 07:28:29
Pope Benedict XVI addresses Ireland on Saturday in a letter apologizing for the sex abuse scandal...
Colombia plans bid for 2026 football World Cup
2010-03-20 13:09:09
MEDELLIN, Colombia — Colombia President Alvaro Uribe says his country will bid to host the...
Hunt on for escaped female detainee wanted for estafa, carnapping
2010-03-18 14:53:49
Authorities are currently hunting down a female inmate linked to swindling and car theft cases...