Filtered by: Showbiz
Showbiz

Eric Quizon on Dolphy’s filmbio: ‘Iniisip ko pa lang, parang napapagod na ako’


Sa taong ito ay recipient ng Lifetime Achievement Award sa Metro Manila Film Festival ang Comedy King na si Dolphy. Isa itong karangalan na totoong nauukol at rightfully deserved na makamit ng beteranong aktor at komedyante. Through all these years, hindi nga nagkukulang ang ace comedian na magbigay-kasiyahan sa publikong manonood sa tuwing mayroon siyang filmfest entry. This year is no exception, dahil bidang muli si Mang Dolphy sa comedy movie na Nobody, Nobody But Juan ng RVQ Productions, with his actor-son, Eric Quizon as director. GOOD FILMFEST TRACK RECORD. Before the start of the filmfest ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Eric at masaya niyang inendorso ang pelikula dahil tulad ng huli niyang pagdidirek para sa annual filmfest (via Home Along Da River) ay ang actor-dad din niya ang bida. That was in 2002. "Physically, it's exhausting," saad ni Eric hinggil sa trabahong pamamahala sa direksiyon ng pelikula. "But otherwise, there's no greater fulfillment than doing something for a loved one like my dad." Hindi na nga lang naka-stay sa bansa si Eric para sa mga unang araw ng filmfest. He had to fly back to Hong Kong kung saan siya ngayon naka-base, with his live entertainment business, at nakibalita na lamang sa mga sumunod na kaganapan. Anyway, PEP learned from one of Eric's staff na masaya ang aktor sa parangal na naipagkaloob sa kanyang ama, dahil isa itong natatangi. Hindi nag-expect ng anumang award ang actor-director. "I don't think about awards. Mas mahalaga yung mapasaya namin ang manonood, ang mga patuloy na sumusuporta pa rin sa pag-aartista ni daddy," sambit ni Eric. Marami nang parangal na napanalunan kapwa sina Dolphy at ang anak niyang actor-director sa annual local film festival. For one, Dolphy was MMFF Best Actor in 1990 for Espadang Patpat. Si Eric naman ay dalawang beses nanalo, noong 1991 para sa Mongolian Barbecue, The Movie at noong 2003 para sa Crying Ladies. Pareho ring money-makers, o box-office entries, ang mga pelikulang ginagawa nina Eric at Dolphy. Noong 2004, as far as we can remember, isa sa top grossing entries ng MMFF ang So... Happy Together, kung saan nagkatambal sina Eric Quizon at Kris Aquino. Dito'y gumanap na bading si Eric. Tulad ni Dolphy, tinanggap din ng publiko si Eric sa serious gay character roles, at hindi ito naging sagabal sa kaukulan pang growth ni Eric bilang aktor. "As far as I'm concerned, okey naman ako... have a good track record in the filmfest. I'm happy," sabi ni Eric. DOLPHY FILMBIO. Habang abala sa mga gawain sa Hong Kong, na entertainment-related, nakapag-publish ng libro tungkol sa kanyang daddy si Eric (katuwang si Bibeth Orteza, na sumulat din ng script ng Nobody, Nobody But Juan). Maganda ang reception ng mga taga-industriya sa naturang undertaking para sa legendary actor-comedian kaya naiisip ngayon ng grupo nina Eric na maganda ring gumawa ng isang pelikula tungkol sa buhay ni Dolphy. Pero hindi biro ang isang Dolphy filmbio, sa konsepto at pagsasakatuparan. "Iniisip ko pa lang, parang napapagod na ako," komento ni Eric nang mapag-usapan ang tungkol dito. When interviewed by PEP, inulit ni Eric ang ganitong isipan. Dagdag pa niya, "Mahabang preparasyon ang kailangan. Wala pang definite, nababanggit pa lang... but it's good idea." May unang napag-usapan ang mga nakaalam na reporters, kesyo mayroong mag-o-oppose sa project. Kaya naiulat na diumano'y hindi pabor si Zsa Zsa Padilla, ang kasalukuyang live-in partner ni Dolphy, sa idea na gawan ng film biography si Dolphy. Tulad din ito nang naiulat na hindi nag-cooperate si Alma Moreno, Dolphy's ex, sa pagpapa-interview noon para sa na-publish na libro tungkol kay Dolphy. Wala pa namang kumpirmasyon sa proyekto at lalong hindi nga tiyak kung may sumasalungat, sa puntong ito, sa nasabing ideya. "I don't think there's any [opposition], or there'll be, kung matuloy man ang paggawa nito," pagkontra ni Eric sa espekulasyon. ‘Pag ganitong positibo ang isipan ni Eric Quizon, who's behind some of the most worthy projects na involved ang daddy Dolphy niya, chances are magkakaroon nga ng magandang bunga ang ideyang umuusbong ngayon sa isipan ng mga nagmamahal sa ace comedian. At tulad ng biography ni Dolphy na nailathala sa dalawang bahagi, hindi tayo magtataka kung maisasakatuparan din nga, in no time at all, ang isang film biography on the life of Philippine show business' greatest comedian. Bagay na ikinangingiti lang ni Eric sa ngayon. Para sa pinakamamahal na ama ay marami pa ngang gustong gawin si Eric at isa ito sa nagsisilbing inspirasyon niya bilang aktor, direktor at negosyanteng sumunod sa yapak ni Dolphy. - William R. Reyes, PEP