Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Puwersa ng OFWs hiniling ipakita sa darating na May elections

Email the Editor Print Share This
JEDDAH, Saudi Arabia – Ang darating na halalan sa Mayo ang maganda umanong opurtunidad para maipakita ang puwersa ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya na kayang maghalal ng kandidato sa pambansang posisyon – partikular sa Senado.

Ito ang inihayag ni Rudy Dianalan matapos maglabas ng hinanakit tungkol sa hindi umano magandang komento na nakuha sa isang political strategist ng isang partido nang umuwi siya sa Pilipinas.

Umuwi sa Pilipinas si Dianalan kamakailan para isumite ang kanyang apela sa Commission on Elections matapos idiskuwalipika ang kanyang kandidatura bilang senador.

“Hindi raw kayang impluwensyahan ng boto ng mga OFW ang darating na eleksyon, sabi sa akin ng isang political strategist," sumbong ni Dianalan nang bumalik sa Saudi Arabia kung saan ito nagtatrabaho.

Kuwento ni Dianalan, pumunta siya sa headquarters ng isang kilalang political party para alamin ang tugon sa ipinadala nilang mungkahi sa partido na maglagay ng isang kandidato na kakatawan sa sektor ng migranteng manggagawa sa senatorial line-up.

Ngunit nagulat umano siya nang sabihin ng isang political strategist ng partido na hindi nararamdaman sa halalan ang boto ng mga OFW.

“Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko inakala ang kanilang saloobin hinggil sa mga OFW…Marami tayong mga lider sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kayang nagmobilisa para magkaroon ng representasyon sa Senado," dismayadong pahayag ni Dianalan.

Ang naturang balita ni Dianalan ay umani ng sari-saring reaksiyon sa mga lider ng ibat-ibang organisasyon ng mga Filipino sa Saudi.

Itinuturing ni Rizaldy Javing, ng Circulo Illong (Saudi Arabia), isang malaking insulto sa mga migranteng manggagawa ang naturang pananaw sa boto ng mga OFW na tila nais palitawin na hindi nagkakaisa ang sektor.

Inihayag naman ni Corlito Obtinalla, tagapangulo ng Order of Knights of Rizal sa Jeddah, na malaking hamon ngayon sa mga OFW ang darating na halalan sa Pilipinas.

Idinagdag ni Jauhari Usman ng Ang Ating Gabay OFW, na masakit pakinggan ang negatibong pananaw tungkol sa pagkakaisa ng mga OFW at kanilang pamilya.

Batay umano sa ulat ng Economic Resource Center for Overseas Filipino (ERCOF), kung magkakaisa ang tinatayang 10 milyong OFWs – na mayroong limang miyembro sa bawat pamilya – kaya nitong magpanalo ng kandidato sa taglay na 50 milyong boto.

Ngunit batay sa talaan ng Comelec halos umabot lamang sa 600,000 ang bilang ng mga OFW na nagpatala sa overseas absentee voting (OAV) para makaboto sa Mayo kahit nasa labas sila ng Pilipinas.

“Umaapela ako sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo na huwag tayong paapi at huwag hayaang maliitin ang ating kakayahan. Ihahalintulad ko ang OFW sa isang tingting na kung isa-isa lang ay hindi makakayang maglinis, ngunit kung magbibigkis ay kayang walisin ang lahat ng dumi lalo na ang mga katiwalian na nagpapahirap sa ating bansa," panawagan ni Dianalan.– Ronaldo Z. Concha, GMANews.TV
Email the Editor Print Share This
Other Balitang Pinoy stories
Opisyal ng PNP na may kaso sa Ombudsman itinaas ang ranggo
09/02/2010 | 09:30 PM
MANILA – Kabilang sa mga na-promote nitong Huwebes ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nahaharap sa kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman kaugnay sa... More
Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mabilis, ayon sa NEDA
09/02/2010 | 08:09 PM
MANILA – Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagdinig ng House committee on appropriations nitong Huwebes na nakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng... More
Payroll para sa 150 OFWs sa Saudi hinihinalang tinangay ng kapwa Pinoy
09/02/2010 | 05:24 PM
JEDDAH – Dalawang overseas Filipino workers (OFWs) ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa hinala na tinangay nila ang pampasuweldo sa 150 kapwa nila OFWs na... More
4 sa Gabinete ni Noynoy tagilid sa CA, ayon kay Escudero
09/02/2010 | 04:20 PM
MANILA – Kahit kaalyado, aminado si Senador Francis Escudero na apat sa kalihim ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III ang inaasahang mahihirapang makalusot sa makapangyarihang Commission... More
Kaso ng dengue inaasahang bababa na sa nalalabing 4 buwan
09/01/2010 | 09:28 PM
MANILA – Umaasa ang Department of Health na magsisimula ng bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa nalalabing buwan ng 2010 matapos iulat na umabot na sa mahigit 62,000 ang kaso ng... More
Senado ‘di raw dapat sumali sa ‘gag order’ sa hostage tragedy probe
09/01/2010 | 08:22 PM
MANILA – Kinastigo ng minorya sa Senado ang desisyon ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na itigil ang kanilang pagdinig habang isinasagawa ng pamahalaan ang imbestigasyon sa... More
2 impeach complaint vs Ombudsman Gutierrez lusot sa porma
09/01/2010 | 05:35 PM
MANILA – Idineklara ng House committee on justice na pasado sa porma ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez nitong Miyerkules. More
Paksiyon sa mga opisyal ni Aquino itinanggi ni Lacierda
09/01/2010 | 05:08 PM
MANILA – Mariing pinabulaanan ni Presidential spokesman Secretary Edwin Lacierda na may paksiyon o grupo-grupo sa Malacanang kaya pumalpak ang pamahalaan sa pagtugon sa Manila hostage tragedy. More
Isa pang Pinoy sinibak sa trabaho sa HK dahil sa Manila hostage tragedy
08/31/2010 | 08:44 PM
MANILA – Isa pang overseas Filipino worker (OFW) ang pinaalis sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Hong Kong bunga pa rin ng madugong wakas ng hostake taking sa Manila kung saan siyam na tao ang... More
ADVERTISEMENT
PET junks Binay's bid for preliminary hearing on Roxas poll protest
2010-09-02 17:03:11
The Presidential Electoral Tribunal has dismissed Vice President Jejomar Binay's request for...
Pacquiao foe Margarito wants to move forward
2010-09-01 20:02:49
Antonio Margarito, Manny Pacquiao's towering Mexican opponent, wants to put the past issues...
iGMA: Michelle Madrigal says joining Survivor Philippines is a dream come true
2010-09-02 15:19:23
Masaya si Michelle Madrigal dahil nagkaroon dawn g katuparan ang kanyang pangarap na makasama sa...
Man plunges 40 stories, lands on car, survives
2010-09-01 22:48:34
A New York City man who plunged 40 stories from the rooftop of an apartment building has survived...