Jackie Rice on her FHM cover: ‘More skin, more sexy, more daring’
Nagdeklara ang tisay na young actress na si Jackie Rice na mas magiging daring siya ngayong 2010. At dahil trabaho ang kanyang prayoridad ngayon, may panahon pa kaya siya sa kanyang love life? Sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel, inamin ni Jackie na mas daring ang kanyang pag-pose bilang bagong cover sa men’s magazine na FHM kumpara sa nauna niyang kuha sa isa pang babasahin noong nakaraang taon. Sa magandang isla ng Boracay ginawa ang photo shoot ni Jackie kung saan mas maraming “skin" umano niya ang matatanaw ng kanyang mga fans. “Yung first ko (na cover sa magazine) parang nabitin sila, ang daming nag-request na more parang ganun. So ito marami pang gusto na makita, e more skin, more sexy, mas daring," pahayag ng magandang aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ni Jackie na pinaghandaan niya ng husto ang pictorial at mas confident na siya sa kanyang body figure kumpara noon. Kabilang umano sa ginawang paghahanda ng aktres ay ang pagpunta sa gym, pagkain ng mga prutas at soup. Idinagdag ni Jackie na magsisipag siya sa trabaho ngayon taon dahil mayroon siyang hinahangad na nais niyang maisakatuparan. “This 2010 sobrang hardworking talaga ako. Gusto kong magkabahay na, ayoko ng magrenta ganun. Gusto ko ring magkaroon ng business kaso yung kikitain ko sa business pambabayad ko rin lang ng renta (sa bahay) so, bahay muna," paliwanag niya. Maganda naman ang pananaw ni Jackie sa taong ito dahil bukod sa pagiging regular cast ng nangungunang fantaserye na Darna, makakasama rin siya aabangang project sa Kapuso Network na Panday Kids. Hindi naman kaya mapabayaan ni Jackie ang kanyang sarili kapag naging sobrang busy sa trabaho? “Busy pero siyempre may time pa rin ako sa sarili ko yun ang importante. Ayoko naman ‘yong ang dami-dami ko ngang trabaho tapos sakitin naman ako, kailangan din ng good health para sa trabaho ko," ayon sa aktres. May panahon naman kaya siya sa love life? “Ay, wala na! Sa sarili ko na lang saka sa trabaho, tama na ‘yon," mabilis niyang sagot. - Fidel Jimenez, GMANews.TV