Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Bong Revilla to support ex-foe Edu in May polls


"Picking apples" ang paglalarawan ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kasalukuyang tinatabo ng pelikula niya at top-grossing film sa 2009 Metro Manila Film Festival na Ang Panday. Ayon sa latest reports, umabot na sa P100 million ang kita ng Ang Panday, na mula sa Imus Productions at GMA Films. "Malaking bagay kasi na lumiit na ang amusement tax na binabawas sa kita ng pelikula. Ten percent na lang ngayon, unlike before 30 percent," masayang sabi ni Bong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa victory party ng Ang Panday. Sumunod naman sa Ang Panday na may pinakamalaking kita among other entries sa filmfest ang I Love You, Goodbye ng Star Cinema. May mga nagsasabi na kahit No. 1 Ang Panday, mas kumita raw ang I Love You, Goodbye dahil sa liit ng puhunan nito kumpara sa pelikula ni Bong. Ano ang masasabi niya rito? "Hindi ako nakikipag-away sa kanila!" natatawang sabi ng actor-politician. "Iniintriga ninyo kami, ha! Huwag, kasi kapag nagsalita ako ng ano, di ba, hindi maganda. Basta importante, kumita lahat. Kumita lahat tapos top grosser kami." Kumita rin ba ang Wapakman ng boxing champ na si Manny Pacquiao? "Hindi," pag-amin ni Bong. "Ang Wapakman lang ang medyo... hindi kasi natapos. Yun lang naman ang medyo naapektuhan, e. Si Pacman naman, bilyonaryo. Hindi niya iindahin yun. Balewala sa kanila yun, e. Si Pacman, gusto pa niyang tumulong sa industriya natin kaya siya gumawa ng pelikula." Sino ang mas mayaman sa kanila ngayon ni Pacquiao? "Oo naman, mas mayaman si Pacman! Ang tanong, sino ang mas mayaman: si Willie [Revillame] o si Pacman? Silang dalawa!" natatawang sabi ni Bong. VOLTES V. Hindi na ba niya gagawan ang plano niyang mala-Voltes V na pelikula kasunod ang Panday? "Sa 2011," paniniyak niya. May plano ba siyang gumawa ng pelikula kasama ang mga kaibigan niyang sina Phillip Salvador at Jinggoy Estrada? "A, ano, tatay ko si Jinggoy!" biro ni Bong. "Magagalit yun. Hindi, hindi... Darating tayo diyan. Kaso mo, yung gagawin namin this year, Panday lang, isa lang. Kasi election period na tayo." FAMILY MATTERS. Ano ang Christmas gift niya sa misis niyang si Lani Mercado? "Pagmamahal," sagot ni Bong. "Material gift? Alam mo hindi na sa material, e. More on magkasama kami. Bibili lang ng damit, mga ganyan. Tulad ng suot ko, AX [Armani Exchange]. Simple lang ako." Ano naman ang ibinigay niya kay Lani? "A, ano ba ibinigay ko kay Lani? Bag 'ata, e, Louis Vuitton lang." Worth two million pesos? "Wala, tigtu-two thousand lang!" biro ni Bong. Binigyan din ba niya ng regalo ang "balae" niyang si Rosanna Roces? "Nagpadala 'ata kami ng prutas," sagot ni Bong. "Alam mo kay Osang, mas gusto ko magkaayos kami, mag-usap na lang kami. Huwag na lang mag-away. Hindi ko naman kaaway. Wala naman kaming kasalanan sa kanya, e. Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Kung meron mang problema sa kanila, si Jolo [Revilla, Bong's son], sila dapat ang mag-away. Hindi kami dapat dinadamay." Isinoli ba nila ang apo niyang si Gab noong Pasko kay Osang? "Na kay Grace si Gab. New Year sa amin. So, hindi ko naman alam kung dinala ni Grace sa kanya o ano, hindi. Pero walang isyu. Hindi sa amin yun." Magbi-birthday this month si Gab. May birthday party ba ang una niyang apo? "May party si Gab. At dapat lang na invited si Osang. Sabi ko nga kay Jolo, puntahan niya, e. Dalhin niya si Gab. Ipakita niya sa lola niya." Totoo bang brokenhearted si Jolo last Christmas and New Year? "Oo, e, malungkot siya," pagkumpirma ni Bong. "Nakita ko, malungkot siya. Basta sabi ko sa kanya, 'Focus on your career. Yun ang mahalin mo and you will never go wrong.'" Totoo bang pinasoli ni Lovi Poe ang iniregalo sa kanyang kotse ni Jolo? "Wala akong alam doon sa kotse," sabi ni Bong. RONNIE & EDU. Ano naman ang masasabi niya sa performance ni Ronnie Ricketts bilang bagong Optical Media Board Chairman, na dati niyang hinawakan na puwesto? "Maganda ang performance niya," sagot niya. "Ang kailangan lang niya sa OMB, kailangan ng budget. So, tutulungan ko siya na dagdagan ang budget." Hindi niya ba in-endorse si Phillip na maging OMB chairman? "Hindi, hindi. Hindi na namin naasikaso yun dahil naka-focus na kami sa Panday. "Si Ronnie na yung nauna. At the same time, maganda rin yung performance ni Ronnie. Maganda rin yung may malasakit sa industrya. Si Ipe, darating yung oras niya rin kung ano ang para sa kanya." Sino ang pumili kay Ronnie bilang OMB chairman? "Marami rin ang nag-endorse kay Ronnie, e. Isa na rin ako sa tumulong sa kanya. Isa rin ako sa gusto ko na mapalagay siya doon. At totoo na maliit ang pondo nila. Dahil nung panahon ko, ganun ang ang ginagawa ko, nag-aabono ako. Kaya tutulungan ko siya sa aspetong yun." Tungkol naman sa kanyang political career, nakahanda na ba siya sa kampanya ng partido niya sa nalalapit na halalan? "Nakahanda na ako sa laban ko sa 2010," sabi niya. What about sa campaign ng ini-endorse na President at Vice President ng partido niya, ang Lakas-CMD, na sina Gibo Teodoro at Edu Manzano? Handa na ba siyang i-endorse si Edu na nakasamaan niya ng loob in the past? "Ika-campaign ko siya, magkaka-partido kami. So, walang problema. Magtutulungan kami," sabi ni Bong. Magbati na kaya sila ni Edu during the campaign? "Walang problema yun," aniya. - Philippine Entertainment Portal