Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino tells husband James Yap, 'I will protect my territory’ - report


Kinumpirma ng actress-host na si Kris Aquino ang pagpunta sa bahay ng umano’y tagahanga ng kanyang mister na si James Yap ngunit pinabulaanan nito na gumawa siya ng “iskandalo." Sa ulat na lumabas sa web site ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes na nakapangalan kay Erwin Santiago, sinabing nagbigay ng kanyang panig si Kris sa pakikipag-usap nito sa PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon. Batay sa kuwento ni Kris, totoong nagtungo ang aktres sa bahay ni Mayen Austria sa Valle Verde 2 sa Pasig City noong Enero 13, dakong 4:00 p.m. Sinadya umano ni Kris na kausapin ang fan ng kanyang asawang basketball star na si James dahil hindi naman umano kalayuan ang bahay nila sa loob din ng naturang subdibisyon. Ngunit taliwas umano sa mga kumalat na text messages, iginiit ni Kris na walang katotohanan na "inaway" o "ininsulto" niya si Mayen at ang ina nito. Kilala rin umano ni Kris si Mayen dahil pareho silang nanggaling sa Poveda Learning Center, isang exclusive high school for girls. Nakikita rin daw niya ang babae kapag may laro ang team ng kanyang mister na Purefoods. Inilarawan ng aktres ang naturang pag-uusap na, "frank" but "polite," "honest" but "civil."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV The call Kuwento umano ni Kris, kumakain sila ni James ng late lunch dakong 2 o 2:30 pm sa kanilang bahay sa Valle Verde noong Miyerkules nang mag-ring ang cell phone ng asawa. Sinagot daw ni James ang tawag sa harap niya kaya dinig ng aktres ang nasa kabilang linya na isang babae. Narinig daw ni Kris ang pahayag ng babae sa kabilang linya na, "James, what's wrong with me? Ginawa ko na ang lahat, pero wala pa rin..." Pagkatapos ay umiiyak umano ang babae at sinabihan ni James ng, "Kung ayaw sa iyo, huwag mo nang ipilit pa..." Nagtaka at naguluhan daw ang aktres sa naturang pag-uusap. Nang ibaba ni James ang linya, tinanong ni Kris ang asawa kung tungkol saan ang naturang tawag. Dito pa lang umano nalaman ni Kris na si Mayen ang kausap ni James. Naglalabas lang umano ng saloobin ang babae dahil iniwanan ng kanyang boyfriend. Hindi raw naging maganda sa pandinig ni Kris ang narinig sa asawa kaya tinanong si James. "May problema siya? Ano naman ang kinalaman mo doon? Ano ang pakialam mo sa buhay niya? Bakit ikaw ang guguluhin niya?" Ipinaliwanag naman daw ni James na matagal na niyang kakilala si Mayen, dahil sa pagpunta-punta nito sa games ng Purefoods, at kumokonsulta ito sa kanya paminsan-minsan ng mga problema. Kasunod nito ay muling nagsalita si Kris na hindi tama sa isang babae na tumatawag sa lalaking may asawa para magsabi ng mga problema nito. Dapat umanong may guidance counsellor, isang malapit na kaibigang babae, kapatid, magulang, o iba pang may direktang kinalaman sa buhay niya ang konsultahin niya. Mas maraming alam ang mga ito tungkol sa history niya at mas makakatulong ang mga ito sa kanya. Ginawa rin daw halimbawa ni Kris ang sarili nilang buhay, at sinabi kay James na, "Sa dami ng pinagdaanan natin, sa dami ng gusto kong ilabas noon, noong kailangan ko ng makikinig sa akin, wala akong iniyakan na lalake. Wala. Inisip ko kasi na hindi makabubuti iyon. Maaaring panggalingan lang ng gulo." Dagdag pa ng aktres, "Tama ba na iyakan ko si Gabby [Concepcion], na kasama ko sa soap ngayon? Hindi, di ba?" Sinabihan din umano ni Kris si James na hindi dapat tumatawag si Mayen sa isang pamilyadong tao upang mag-confide ng kanyang lovelife. Idinagdag niya na okay lang umano kung magkasintahan pa lang sila. "I told James, 'You married me. You made this commitment to me. I am your wife. I have my rights as a wife. I will use those rights to protect myself and our children. I will protect my territory," kwento umano Kris. Face to face Kasunod ng kanilang pag-uusap ay nabanggit umano ni Kris kay James na dapat ay kausapin na niya si Mayen. Ang intensyon umano ng aktres ay ipaalam na bilang asawa, hindi siya sang-ayon sa pagtawag-tawag ng ibang babae sa mister niya, kahit na wala pang masamang intensyon ito. Hindi umano nagustuhan ni James ang plano ni Kris. Ngunit wala umanong naipirmi sa usapang ito. Pagkaraan nito ay umalis si James para samahan ang anak nilang si Baby James para manood nang nakatanggap ng tawag si Kris mula sa kanyang pinsan na si Rina Teopaco, ninang ni Baby James. Nagkataong magkakilala naman sina Rina at Mayen. Nalaman ni Kris mula kay Rina na tinawagan ni James kay Mayen noong araw ding iyon. Sinabihan umano ni James si Mayen na galit si Kris kaya mag-apologize na si Mayen kay Kris para matapos na ang lahat. Hindi umano nagustuhan ni Kris ang pagtawag si James kay Mayen para mag-abiso. Dito na umano nagdesisyon ang actress-host na puntahan si Mayen sa bahay na dalawang kalye lang ang layo sa kanilang bahay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasama umano ni Kris na nagpunta sa bahay ng mga Austria ang isang kaibigan at ang make-up artist na si Bambbi Fuentes. Nasa bahay umano si Bambbi para make-apan si kris para sa taping ng kanyang teleserye. Wala raw balak si Kris pumasok sa bahay nina Mayen at plano lang nitong manatili sa labas ng pinto para natatanaw siya nina Bambbi na naiwan sa van. Gusto lang umano ni Kris na maging nang maayos ang pag-uusap, at magkalinawan na walang "awayan," "sigawan," o "iskandalo" – na siya namang nangyari. Ang ina umano ni Mayen ang nakabungad sa pinto at inimbithan si Kris na pumasok pero tumanggi umano ang actress-host. Malumanay na pahayag umano ni Kris na, "The mom knows me because another daughter had a charity before and I donated to it. And they know my cousins." Kasunod nito ay kalmado pero klarong ipinaliwanag ni Kris sa ina ni Mayen ang kanyang sadya. Sinabi niyang nababahala siya sa pagtawag-tawag ng anak nito sa kanyang asawa, at hindi iyon nakakatulong sa pagsasama nila ni James. Inamin din umano ni Kris sa ina ni Mayen na mayroon silang problema ni James at hindi naman lingid sa iba ang pinagdadaanan ng kanilang marriage life. Idinagdag niya na baka ang pagtawag-tawag ni Mayen sa asawa makasulong pa sa "demise of this marriage." Ipinaalam din daw ni Kris sa ina ni Mayen na gusto niyang patatagin ang kanilang pagsasama para magkaroon ng kumpletong pamilya sina Baby James at Josh. Nilinaw ni Kris na, ganunpaman, ayaw niyang gumawa ng gulo, kaya raw personal siyang nakikipagpaliwanagan. Nagpahayag naman daw ang ina ni Mayen na ay, "There must be a misunderstanding. Wait, I will call her..." Patuloy na kuwento ni Kris, sumunod ay lumabas daw si Mayen na iba raw ang tono ng nagsalita: "James said I should say sorry. But why should I? I didn't do anything wrong!" Pinayuhan umano ng actress-host si Mayen na mas mabuting pumunta sa isang guidance "counselor" kung gusto niyang humingi ng payo tungkol sa lovelife niya "and not to a married man." Nang sumagot daw si Mayen na matagal na niyang kaibigan si James, inamin ni Kris na umabot siya sa puntong sinabihan niya si Mayen ng: "Don't cross the line!" Sinabi raw si Mayen sa kanya na hindi naman daw ganoon kadalas niyang tinatawagan si James. May ilan pa umanong matatas na palitan ng salita ang dalawa, at pabalik-balik si Kris sa kanyang punto na huwag ng gambalain ang asawa. Habang si Mayen ay matigas sa paliwanag na wala siyang ginagawang masama. Sa huli, sinabi ni Kris na satisfied siya sa kanyang ginawa at maganda ang kanyang inasal. Maging ang pagpapaalam niya ay naging maayos umano at nagpasalamat pa raw siya sa ina ni Mayen sa pakikinig sa kanyang saloobin. Sa ulat ng GMANews.TV, tumanggi umano si Gng Austria na magbigay ng detalye tungkol sa naturang insidente nang tawagan sa telepono. Magalang umanong nagpahayag ang ina ni Mayen na, "Hindi kami magsasalita, ayaw na namin palakihin." Family first - Noynoy Sa kabila ng paliwanag ni Kris, may mga kumalat na text messages tungkol sa “pag-iskandalo" umano ni Kris at nadamay na rin ang kandidatura ng kanyang kapatid na si Sen Benigno “Noynoy" Aquino III na tumatakbong presidente sa ilalim ng Liberal Party. Nang balikan umano ng PEP si Kris nitong hapon ng Biyernes, tumanggi na raw ang actress-host na magsalita. Sana raw maintindihan na lang siya, kung siya lang, kakayanin daw niya ang isyung ito. Alam daw niya ang totoong nangyari pero nadadamay na umano ang kapatid niyang si Noynoy at ang kandidatura nito. Nagkapaliwanagan na nga raw silang magkapatid sa text messages. Hindi lang daw niya mai-share ang nilalaman ng mga text dahil pribado talagang mga tao ang kanyang mga kapatid kahit nasa pulitika. Isa lamang daw ang malinaw, ipinaramdam nang husto ni Noynoy na mahal niya si Kris at ang buong pamilya nito. Nang sinabi raw ni Kris na, "Pasensya ka na that my marital crisis is now being used to attack you," sinagot daw siya ni Noynoy, "Let me reiterate, prioritize your family, never mind the campaign." Sa hiwalay na panayam kay Noynoy, nakiusap ito sa publiko na bigyan ng espasyo ang pagsasama ng kanyang kapatid na si Kris at bayaw na si James. Natural lang umano na maging sentro ng atensiyon ang problema ng mag-asawa dahil kapwa sila celebrity. – GMANews.TV