Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-Viva Hot Babe Andrea Del Rosario admits she’s pregnant


Proud na inamin ng dating sexy star na si Andrea Del Rosario ang kanyang pagiging buntis. Kasabay nito, ibinisto ng mga host ng StarTalk ng GMA 7 na tatlo pang dating member ng Viva hot babes ang umano'y nagdadalang-tao. Sa panayam ng mga StarTalk host na sina Ricky Lo at Butch Francisco, kinumpirma ni Andrea na four-months pregnant siya at isang negosyante ang ama nito. Bagaman tumanggi si Andrea na pangalanan ang ama ng kanyang anak dahil isa itong pribadong tao, sinabi ng seksing aktres na supportive sa kanya ang lalaki sa lahat ng bagay, pati na sa pinansiyal na pangangailangan. “Nang mga panahon po na nagti-Tinik Sa Dibdib ako noon eh meron na ‘yon. Last year mga September, mga a little bit 4 months ganun," tugon ni Andrea sa live interview sa StarTalk nitong Sabado. Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na nabuntis si Andrea. Ang una ay ectopic pregnancy kaya nangamba umano ang aktres na baka hindi na siya muling magkaanak. “Yung nga po marami akong health issues last year, two operations. ’Yong major one is yung nga nagkaroon ako ectopic so less chances of having a baby. So when this happened, I was really happy," ayon kay Andrea. Ang pagbubuntis umano ang isa sa mga dahilan kaya siya umalis sa showbiz. Pero bukod dito, abala si Andrea sa kanyang dalawang restaurant at pag-aaral sa Ateneo. Nang tanungin nga nina Ricky at Butch ang katauhan ng ama ng bata, tugon ni Andrea: “He is a private person, lets leave it at that. He’s a businessman, he’s a wonderful guy, he’s very supportive, he’s gonna support me all throughout." Idinagdag ni Andrea na medyo matagal na rin ang relasyon nila ng kanyang partner. “Medyo matagal na rin, hindi nga lang traditional set up na…(kasal?, tanong ni Butch). Oo, hindi ganun, or traditional way of having a family. But okey kami, we’re fine we see each other and like what I said he’s very supportive," ayon pa sa aktres.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV From Hot Babes to Hot Mamas Binati nina Ricky at Butch si Andrea sa pag-amin nito tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi umano katulad ang aktres ng iba na itinatago ang maselang kalagayan. Pinakumpirma rin ng mga host kay Andreas kung sino ang tatlong miyembro rin ng Viva Hot Babes na malapit sa kanya na nagdadalang-tao rin ngayon. Pero sa kabila ng pangungulit nina Ricky at Butch, matamis na ngiti lang ang sagot ni Andrea dahil mas mabuting ang mga ito ang magpaalam sa publiko ng kanilang kalagayan. “Naku hindi… sila na lang ang magsabi. Siyempre desisyon din nila ‘to whether they want to share their experience ‘di ba? Ayoko naman, I don’t want to take that away from them. Hayaan na lang natin na sila ang mag-reveal sa sarili nila," paliwanag niya. Nang hingan ng dalawa si Andrea ng clue kung sino ang tatlo, nakangiti niyang binanggit ang, “Viva Hot Mamas?" Idinagdag ni Andrea sa kanyang mensahe sa mga kaibigan na sinasabing buntis na: “ Mga kaibigan ko congratulations, napakasaya ‘di ba? Kaya kung ako sa inyo sana I-share n’yo rin ang napakagandang experience na ‘to. And naghihintay ako sa susunod nating reunion - ‘yung Viva hot mamas." Bukod kay Andrea, nauna nang nabuntis ang mga ex-Viva hot babe member na sina Sheree at Asia Agcaoili. Ilan naman sa mga ka-batch ni Andrea bilang hot babes ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Jen Rosendahl, Gewn Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, at Hazel Cabrera. - Fidel Jimenez, GMANews.TV