Filtered By: Showbiz
Showbiz

Juicy Cat Dolls: Mitch Valdes, Pilita Corrales, at Nanette Inventor



Gustong patunayan ng mga OPM divas na sina Mitch Valdez, Pilita Corrales, at Nanette Inventor na kaya nila makipagsabayan sa mga bagong singers ngayon gaya ni Lady Gaga kaya nabuo nila ang kanilang grupo na Juicy Cat Dolls. Sa kanilang press conference, tuwang-tuwang ipinahayag ng tatlo na may “energy to perform" pa sila. Dagdag pa nila ay baka sa outfits pa lang ni Pilita ay talbog na ang lahat. Mapapanood ang pre-Valentine’s Day show ng tatlo na Juicy Cat Dolls: No Preservatives Added sa February 12, 8:30 ng gabi, sa The Premiere Theater ng SM Mall of Asia. May show din sila sa February 13, 8:30 ng gabi, sa SM Megamall Cinema 9. Special guest sa mga nasabing shows ang singer at komedyante na si Cynthia Patag, na matagal nang hinahanap ng publiko. - Faye Ilogon, GMANews.TV Para sa iba pang mga schedules ng concert ng The Juicy Cat Dolls, i-check ang kanilang Facebook fan page.