Katiwalian sa ‘Pinas
01/22/2010 | 10:56 PM
Reaction lang po tungkol sa mga taxi na namimili ng pasahero. Kaya po sila ganyan, walang takot na mamili ng pasahero, kasi po ang kinauukulan hindi kikilos unless may taga-media.
Noon pong ako'y nasa Pilipinas pa, ‘yung mga nai-interview sa TV, nagbibigay pa ng cell phone number na pwedeng i-text at landline na tatawagan ‘pag may irereklamong abusadong taxi driver. Awa po ng Diyos, napakarami ko pong itinext noon pero walang nangyari. Sayang lang ang load. Naka-ilang try po akong tumawag noon pero wala pong sumasagot. Puro sila daldal, wala namang gawa. Maayos sana ang buhay natin sa Pinas kung maayos ang pagpapatupad ng batas sa kahit napakaliit na bagay.
Maayos sana ang buhay natin sa Pinas kung maayos ang pagpapatupad ng batas sa kahit napakaliit na bagay. 
– Lisa of VA
Nakakalungkot isipin na tayong mga Pinoy ay pansariling kapakanan ang iniisip, walang pakialam sa iba. Puro katiwalian sa’tin. Sa pagkuha nga lang ng driver’s license, ‘pag ‘di ka makapasa sa actual na pagmamaneho, masaya po ‘yung in charge diyan kasi ibig sabihin, kikita sila dahil sa halip na pauwiin ka at sabihing bumalik ka na lang ulit ‘pag marunong ka nang magmaneho para makapasa sa actual driving test, ang sasabihin sa’yo, magbayad ka ng P300 para mapirmahan yung papel na kailangang pirmahan at nang makuha mo na ang iyong lisensya. Idagdag niyo pa ang mga walang pakialam din na mamamayang driver, kung makasagasa man ay wala ring pakialam sa batas trapiko kasi nga po ang importante sa lahat ay AKO, plus napakahinang batas para sa implementasyon ng tamang batas, equals aksidente sa kalye. Kita niyo naman, napakadaming aksidenteng nangyayari sa’ting bansa.
Sana lang po magkusa tayong mga Pinoy, tulungan natin ang ating bansa, kumilos nang nararapat. Huwag po nating gawin ang hindi tama maski sa napakaliit na bagay. -GMANews.TV
Lisa of VA
Ako'y Pinoy
Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso.
Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras.
Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!