Saan ikinasal sina 'LT' at 'Daboy'
01/27/2010 | 06:11 PM
Alam nyo ba kung saang lalawigang matatagpuan ang magarang kapilya kung saan ikinasal ang showbiz couple na sina Lorna “LT" Tolentino, at pumanaw nitong kabiyak na si Rudy “Daboy" Fernandez noong 1992?
Hindi sa isang malaking simbahan, kundi sa isang maliit pero magarang Chapel of the Ascenscion sa loob mismo ng sikat na tourist destination na Villa Escudero sa Tiaong, Quezon, nagpalitan ng “I do" sina Lorna at Rudy.
Bago ang kasalan sa kapilya, naunang nagpakasal sina LT at Daboy sa huwes sa Nueva Ecija noong 1983. Nang panahon iyon, 23-anyos pa lang si Lorna at 33-anyos naman si Rudy.
Ang kasalang LT at Daboy sa Villa Escudero ang itinuring “grandest wedding" nang panahong iyon dahil sa dami ng mga malalaking artista na sumaksi sa kanilang pag-iisang dibdib.
Noong Hunyo 2008, pumanaw si Rudy matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa periampullary cancer sa kanyang bahay sa White Plains, Quezon City. Si Daboy ay 56-anyos. - Fidel Jimenez, GMANews.TV