Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang presidentiables mula sa isang makatang OFW


Ang tulang ito ay sarili kong katha at ‘di kopya sa iba. - Ydonne_2008 Presidentiables sa 2010 Elections Kay dami nang nais na kumandidato Sa pagka-pangulo sa darating na Mayo Sa list ng Comelec walo sila plus two Mga kababayan mamili na tayo Ang sabi ni Shakespeare sa dula niyang Romeo and Juliet, name ay ‘di mahalaga Dahil kahit itong rosas ay tawagin man sa iba Tiyak ‘di magbabago ang halimuyak niya Kaya naman ngayon aking naisipan Na gawan ng biro kanilang mga pangalan Pero ito naman’y walang personalan Para lamang ito sa ‘ting katuwaan
Si Gibo Teodoro, tunog niya’y inidoro ‘Wag n’ya sanang gawing isang poso-negro Itong bansa natin ‘pag siya’y nanalo Dahil tipong Malabanan negosyo’y lolobo At itong si Noynoy, tunog balinguyngoy Mas lalong dudugo itong ating ilong ‘Pag siya’s nanalo dito sa eleksyon At ‘di pinagbuti pag-ugit sa ating nasyon ‘Pag naluklok uli ay itong si Erap Baka buhay natin lalo pang hihirap Kung siya’y babawi sa mga nang-harass Nang siya’y napatalsik ng wala sa oras At si Manny Villar, ngalan ay tunog money ‘Wag sanang mag-isip ng pagpapadami Lalo ng kaniyang money at property Sa halip labanan ay itong poverty Si Richard Gordon ay tunog panaling kurdon Baka lalo tayong maghihigpit ng sinturon ‘Pag ekonomiya’y ‘di n’ya naiahon At ‘di magkalaman mga tiyang gutom Si Jamby Madrigal ngalan ay Consuelo Ang dasal ko lamang kung sya’y mananalo Sana ibigay n’ya serbisyong totoo At ‘di lamang isang pakonsuwelo-de-bobo At si Brother Eddie, katunog n’ya ay kendi Sa una’y masarap at sa dakong huli Naroon na itong mga pagsisisi ‘Pag mga ngipin mo ay nagka-cavity Pasensya na sa iba pang kandidato Na pinayagan ng Comelec na tumakbo Hindi ko ma-recall mga pangalan ninyo Kaya wala akong masabi patungkol sa inyo Mga presidentiables huwag n'yong dibdibin Di ko gustong saktan ang inyong damdamin Gusto ko lang namang ngayon ay pasayahin Mga kapwa ko OFW na malayo sa pamilyang giliw – Guhit gawa ni Analyn Perez/GMANews.TV Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!