Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Manny Pacquiao's concert in Hawaii cancelled


Kung nagawang punuin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang Cowboys Stadium sa Arlington, Texas—kung saan halos 51,000 katao ang nanood—nung huling laban niya kay Joshua Clottey, mukhang kabaligtaran naman ito sa nakansela niya sanang concert sa Waikiki Shell sa Honolulu, Hawaii. Hindi na matutuloy ang concert ni Manny sa Honolulu, Hawaii sa darating na Linggo, March 21, dahil mahina ang ticket sales nito. Lumabas ngayong araw, March 17, sa breaking news section ng Honolulu Advertiser ang complete report ni Dave Dondoneau tungkol sa cancellation ng concert ni Manny na may pamagat na "Manny Pacquiao's Hawaii concert canceled because of poor ticket sales."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa panayam ng Honolulu Advertiser kay Ryan Chang ng Island Fire Productions, 603 tickets pa lang daw ang naibebenta nila. Nagkakahalaga ang mga ticket mula $25 hanggang $150. Ayon kay Chang, 8,500 ang capacity ng Waikiki Shell kaya kailangan daw nilang makabenta ng at least 2,500 tickets para maka-break even man lang. Pero dahil sa mababang ticket sales ay nagdesisyon silang kanselahin na lang ang concert. Kung natuloy ang naturang concert, kikita sana si Manny ng $100,000 para sa one-hour performance niya. Sa nakaraang laban ng Pinoy boxer kay Clottey, inaasahan na kikita siya ng $17 to $20 million dahil sa pay-per-view cut niya. - Jojo Gabinete, PEP