Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pangarap ko matupad sana sa America


Salamat sa column na ito ng GMA Kapuso kung saan ang bawat salaysay ng mga masugid na tagasubaybay ay nilalathala ng walang bawas at walang dagdag. Naghintay ako ng 23 years bago nakarating dito sa America dahil sa petisyon ng aking kapatid. Dapat sana ay noon pa ako nakarating kung hindi namatay ang aking ama na siyang unang nagpetisyon sa akin. Subalit sa kasawiang-palad ay binawian siya ng buhay bago dumating ang mga papeles ko galing sa US Embassy kaya naging `null and void` ang aking petisyon. Ganyan katagal kapag ikaw ay married na kaya halos mawalan na ako ng pag-asa na makakaahon sa kahirapan. Sa aking pananaw kasi ay isang paraiso ang America. Hindi madali o magaan ang dinanas kong hirap sa Pilipinas kahit dalawa pa ang aking `degree` -- isang associate in Marine Engineering at isang Civil Engineering. Mahirap humanap ng trabaho dahil sa taas ng kompetisyon, sobra ang `crab mentality,’ yun bang hihilahin ka paibaba, na waring walang pag-asa kung wala kang experience sa trabaho kahit nagtapos ka na ng kurso.


Napansin ko na ang yumayaman lang sa Pilipinas ay kailangan maging corrupt ka, nakakapit ka sa pulitiko o dili kaya ay kapitalista ka na walang pakundangan kahit tumapak sa mga karapatan ng mga manggagawa basta magkamal lang ng salapi.
– J. A. from USAaime
Kaya naman upang ma-adopt ko ang iba`t-ibang sitwasyon ng buhay ay naging “Jack of All Trades and Master of None" ako. Naging piyon, driver, salesman, karpintero, welder, foreman, warehouseman, project engineer at project manager. Napansin ko na ang yumayaman lang sa Pilipinas ay kailangan maging corrupt ka, nakakapit ka sa pulitiko o dili kaya ay kapitalista ka na walang pakundangan kahit tumapak sa mga karapatan ng mga manggagawa basta magkamal lang ng salapi. Hindi ako nawalan ng pag-asa at pananalig sa Diyos na balang araw ay makakamit ko rin ang aking dream kagaya ng mga sumusunod: 1. To establish myself in the Lord. 2. To help my people in the Philippines. 3. To give my son and daughter a good inheritance. 4. To build a shelter in our lot @ Mauban, Quezon. 5. To help especial someone to know the Lord, get saved and know the truth and make heaven our Home. 6. To pay all my debt. 7. To be a US citizen, so help me God. Salamat sa Diyos at hindi naging maramot sa akin at sa aking mga kapatid ang tadhana. Lahat kaming magkakapatid ay naririto nang lahat sa America. Salamat sa Diyos at hindi ako nasiraan ng bait sa kahihintay sa aking petisyon, hindi ako nagkaroon ng AIDS, Hepatitis o TB, kasi ‘yan ang mga karamdaman na magiging dahilan para hindi ka makarating dito sa America. Ang nais ko sana sa awa ng Diyos ay makuha ko rin ang mga mahal ko sa buhay, kung paanong hindi naging maramot sa akin ang aking mga kapatid at magulang na kunin at tangkilikin ako rito. Gusto ko rin sanang maranasan ng aking mga anak ang buhay dito na higit na mas mabuti kumpara sa Pilipinas o saan mang bansa na aking napuntahan. So help me God. J.A from USA Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!