Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: Newcomer Lucho Ayala has no problem playing bad-boy roles


Nagkataon na first time ni Lucho Ayala na magkaroon ng TV show, at ito ang teen program ng GMA-7 na First Time. "First time talaga kaya nga coincidentally, first time ko na magkaroon ng TV exposure at First Time ang show," pahayag ng newcomer na nag-audition to get the part of school bully Jimbo in First Time. Kung meron man siyang iba pang exposure, iyon ay sa TV commercial ng Claritin at ang iba ay theater productions sa school nila. Matapos ang halos dalawang buwan na niyang pagiging artista, kumusta na si Lucho at ang kanyang role sa First Time? "Yung feedback, maganda naman. Yung show mataas ang ratings and yung mga tao nakikilala na nila ako, so I'm very happy, masaya naman," sabi ni Lucho nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng kanilang programa. BEING AN AYALA. Seventeen years old si Lucho at nag-aaral sa UP Diliman kung saan kumukuha siya ng kursong Theater Arts. Lucho Ayala talaga ang real name niya, pero hindi raw niya alam kung related siya sa rich and famous Ayala clan. "I don't know, I don't think so. Taga-Tuguegarao kami, e. Dito, tumitira ako sa tita ko, ang parents ko nasa province. We have Spanish blood. My dad is of Spanish descent and my mom is Spanish-German, meron talaga kaming lahi," banggit niya. Napagkakamalan nga raw sa school nila na mayaman siya dahil sa kanyang last name. "Pag nasa school ako like, 'O, Ayala ka, mayaman ka, manlibre ka naman diyan!' Na parang ang taas ng tingin nila sa akin kasi Ayala ako, pero hindi naman ako related sa kanila." PLAYING A BAD BOY. Okay lang daw kay Lucho na nakikilala siya na kontrabida. "Yun nga, e. Kasi, di ba, yung role ko sa show, parang mas lalo na yung audience namin kasi mga bata talaga. So, talagang they believe what they see onscreen na, 'A, si Jimbo, bad 'yan!' Pero okay lang naman and siguro sa ibang shows kapag hindi na bad yung role ko, they will realize na show lang yun, na role ko lang," saad niya. Sino ang basehan niya ng bad boy role niya? "Actually, parang sum-up lang siya ng mga napapanood kong bad boy actors, e. Kasi ang gusto ko, hindi ako gagaya ng isang...meron akong peg pero hindi siya yung actually na gagayahin ko talaga. I want to do it my own way kasi para makilala ako sa sarili kong ginagawa, hindi yung ginaya ko si ganito, ginaya ko si ganyan." Among his favorite bad boy actors daw ay sina James Dean at Colin Farrell. Kahit binu-bully niya sina Jhake Vargas at Joshua Dionisio sa First Time, in real life ay kaibigan raw niya ang mga ito. Sino ang pinaka-close niya? "Actually, lahat naman sila mabait, e. Masaya silang kasama, maganda silang kausap. Iba't iba ang type ng personalities nila so lahat naman close ako sa kanila." LUCHO IN REAL LIFE. Gaano kalapit ang ugali ni Jimbo kay Lucho? "Kasi actually, kasi meron tayong tinatawag na typecasting and casting against type. Yung typecasting, parang yun talaga kung ano yung personality mo, parang fit na fit sa 'yo kasi madali mo lang i-portray kasi ganun talaga ang personality mo. Pero yung casting against type, yung hindi mo personality. Kunyari mabait ka, mag-play ka ng bad, so paano mo gagawin yun? "So, talagang challenge yun, parang ganun. So ito, hindi naman talaga ako bully, hindi naman talaga ako bad boy. Siguro may pagka, meron naman, meron naman, pero hindi yung super as in ako yung bully ng school na tinutulak ko kahit sino, hindi naman ako ganun. "Average student lang ako. Hindi talaga ako si Jimbo sa totoong buhay. Hindi rin opposite, steady lang," sabi niya. Walang girlfriend si Lucho ngayon, pero dati ay meron daw. Nakatatlong girlfriends na raw siya. "Mga puppy love lang. Mga ganun lang naman, e, nothing serious." RHIAN RAMOS. Sino naman ang crushes niya sa showbiz? "First si Rhian Ramos! I really like her, as in her face, ang ganda niya talaga . Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Yun nga sabi ko sa kanila, na crush ko si Rhian Ramos, pero hindi ko pa siya talaga nami-meet in person." Kapag ipinakilala sa kanya si Rhian, ano ang mararamdaman niya? "Matutuwa talaga ako, siya yung crush ko talaga." Baka maging speechless siya? "I dunno. Pero siguro kakausapin ko siya kasi gusto ko talagang makausap siya, e." Kapag naging kapareha niya si Rhian in a project? Hindi kaya matulala siya? "Matutuwa talaga ako kasi gustung-gusto ko siya and work ito, e. So, kailangan kong gawin ang part na ibibigay sa akin." Kapag ganoon na raw ang sitwasyon, kakalimutan muna niyang crush niya si Rhian at ituturing na katrabaho. "Work naman yun, co-actor siya na kailangan ko na to work with, di ba?" OTHER CRUSHES. Ang iba pang crushes niya ay sina Heart Evangelista at Kim Chiu. "I saw Heart sa SOP, pero parang hindi talaga kami nag-meet. Dumaan lang siya sa harapan ko, nakita ko lang. Kasi nasa ABS pa siya dati sa MYX, mahilig kasi ako sa music, so nanonood ako ng MYX tapos nakikita ko siya. Yung itsura niya, kapag iko-compare mo siya sa iba, maganda siya. Pero, I mean, very ano lang siya, endearing na charming na very natural look talaga. "Si Kim, kasi minsan ang type ko iba-iba rin. Minsan mestiza, minsan morena, minsan Filipina, minsan- Oriental looking...depende rin sa tao kapag nakita ko." May crush ba siyang sexy star? "Jackie Rice...is she a sexy star?" balik-tanong ni Lucho. "Meron kasi siya sa FHM, yung recent issue." Pinagpantasyahan ba niya si Jackie? "Bago ko pa lang naman siyang nakitang nag-seksi, e," nangingiting sagot ni Lucho. Na-meet na niya si Jackie. "Yeah, nasa Baguio kami nun. Show namin ng First Time sa Baguio, yung sa Panagbenga Festival, tapos kasama siya sa Panday Kids." Hindi raw sila na-introduce ni Jackie. Sa apat na binanggit niya, given a chance, sino ang liligawan niya? "I think hindi puwede kasi parang ang bata ko sa kanila, e! I'm only 17," sabi ni Lucho. Si Barbie Forteza na lead female star ng First Time, hindi rin niya puwedeng ligawan dahil at 12, masyado pa raw itong bata. "Hindi, hindi rin puwede!" tawa niya. - Rommel Gonzales, PEP
LOADING CONTENT