Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sam YG, Daiana Menezes spotted together in Boracay


Magkasamang nagbakasyon sa Boracay nitong nakaraang Semana Santa ang Brazilian model na si Daiana Menezes at ang napapabalitang karelasyon niya, ang TV/radio host na si Sam YG. At bagamat lagi umanong magkasama, tumanggi ang dalawang linawin ang tunay nilang relasyon. "Mahirap lagyan ng label, pero right now, we're happy," ani Sam sa Chika Minute ng 24 Oras. Video embed:
Nakita rin ang dalawang magkahawak-kamay kung maglakad, at naiulat pang "babe" na ang tawagan nila sa isa't isa. Anila, nagpapakasaya lamang daw sila sa paborito nilang lugar. "We absolutely love the place. Sobrang ganda," ani Sam, na kilala rin bilang ang komedyanteng si Shivaker. "I love this place. It's my second time here. I'm loving the place lalo na kapag kasama si Sam," pabiro namang dagdag ni Daiana. Huwebes dumating sa isla sina Daiana at Sam. Bagamat tumutuloy sa parehong hotel, nilinaw rin ng dalawa na natutulog sila sa magkahiwalay na kuwarto. "Separate rooms. Baka isipin niyo same room," paglilinaw ni Sam. Dagdag pa ni Daiana, "Different beds." Nang tanungin naman si Daiana kung mahal na ba niya si Sam, ang tanging sagot ng modelo: "I like him very much." -- JA/YA, GMANews.TV