Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Party Pilipinas, Summer Skin Problems, Cold Treats and Sandboarding!"


Episode on April 10, 2010 Saturday, 9:00 AM Sa mga naka-miss sa Ka-Blog last Saturday, no worries! We are back at super action-packed ang gimik sa fave tambayan ninyo every Saturday morning! PARTY PILIPINAS NA! Ready na ba kayo sa ultimate party sa Pilipinas? Then maki-party na sa Party Pilipinas! Aalamin ni Ka-Blog Andrea Torres kung paano pumarty ang coolest Kapuso party peeps! At siyempre kasama ang Ka-Blog sa pagsilip sa backstage ng Party Pilipinas. All access pass ito mga Ka-Blog so huwag ninyong palalagpasin! SUMMER SKIN PROBLEMS Minsan ba ang summer fun nagiging heat "pasakit" na sa ilang Ka-Blog? Oh yes! Especially kung affected ka ng mga skin problems na lumalabas tuwing tag-araw! Aalamin ni Ka-Blog Monica Verallo ang mga common skin problems nating mga teenies at kung paano ito gagamutin. Get rid of sunburn, bungang araw at balakubak dahil dapat walang hassle sa fun summer mo! COLD TREATS Beat the summer heat?! Samahan natin ang guest Ka-Blog Rye Burgos kung paano ang gagawin dyan! Will this StarStruck Survivor survive the heat sa mga cold treats na titikman niya? Pizza, burger at siomai served cold? You read it right, mga pampalamig with a twist! Brain freeze pa kayo sa sarap! SANDBOARDING IN ILOCOS Ang resident adventurer na si Ka-Blog Mico Aytona may bago na namang papausuhing mga astig na activities! Sa sand dune ng Ilocos Norte susubukan niya ang 4x4 ride sa gitna ng disyerto. Humarap din si Mico sa challenge ng sandboarding. Hu-wat??? Surfing sa desert? You bet! Kung paano, mag-watch na lang kayo! Suma-summer saya rito sa hang-out ng paborito ninyong barkada! Coolest people kita kits tayo sa Sabado, 9am, sa Ka-Blog! Peace Out!