Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go: ‘It’s good to be back!’


Hindi raw naging madali pero masaya at excited daw Rachelle Ann Go sa kanyang desisyon na lumipat at magbalik sa Kapuso Network. At isa sa mga show na gagawin niya ay ang Party Pilipinas. “I’m very very excited. Nasabi ko nga makakasama ko na ulit yung mga matagal ko na pong hindi nakakasama sa entablado…sina Ms Reg (Regine Velasquez) po, sina kuya Ogie (Alcasid). So nae-excite po ako kumbaga bagong chapter ito ng career… It’s good to be back," pahayag ni Rachelle sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, nitong Miyerkules pumirma ng kontrata si Rochelle sa GMA Network kasama ang kanyang manager na si Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artist Agency. Sa panig ng GMA 7, nandoon sina Atty Felipe L. Gozon, president, chairman and CEO, GMA Network Inc; Gilberto R Duavit Jr. , EVP, COO, GMA Network; Ms Wilma V Galvante, SVP GMA Entertainment TV; at Atty. Annette Gozon-Abrogar, President GMA Films.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa naturang ulat, sinabing hindi raw naging madali para kay Rachelle magdesisyon na lumipat at marami siyang bagay na inisip. Kabilang na rito ang kanyang mga kaibigan, at katrabaho na maiiwan, bukod pa sa bagong working environment. “Talagang ipinagdasal ko lang po ito and nung nagdecide po ako naramdaman ko na at peace naman po ako sa desisyon ko. So sabi nga po susundan ko na lang po ang will ni Lord," paliwanag ng singer. Ikinalugod naman ng mga pinuno ng GMA Network ang pagbabalik ni Rachelle Ann na produkto ng Search For A Star noong 2004, ang singing contest kung saan ang nag-host ay si Regine. “She’s very welcome na maging Kapuso natin at magaling na singer si Rachelle," ayon kay Atty Felipe Gozon. Pahayag naman ni Mr Duavit: “Sa kasalukuyan isa siya sa pinakatanyag na manganganta, performer, artista, lahat na so nasisiyahan tayo kapag may bumabalik na Kapuso." Ngunit bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit, sinabi ni Atty. Gozon-Abrogar, na naniniwala rin siya sa kakayahan ni Rachelle sa pag-arte. “We’re very very happy kasi Rachelle is such a good singer and I think she’s also a very good actress. So we’re very very happy na nandito na siya ulit," ayon sa president eng GMA Films. “Lahat ng puwede niyang gawin ibibigay natin. We’re very happy ibinalik na (si Rachelle) ni Vernie at saka ni Boss Vic, thank you po," masayang sambit naman ni Ms Galvante. Mapapanood si Rachelle sa Party Pilipinas simula sa April 18. – FRJ, GMANews.TV