Filtered By: Showbiz
Showbiz

Young actress LJ Reyes is pregnant


Kinumpirma ng isang executive sa GMA Network na nagdadalang tao ang young actress na si LJ Reyes. Pupuntahan ng aktres ang kanyang ina na nasa ibang bansa at doon na isisilang ang magiging anak nila ni Paolo Avelino. Nagsimulang kumalat ang espekulasyon tungkol sa kalagayan ni LJ nang bigla itong magsubmit ng indefinite leave sa Kapuso Network noong April 8. Sa naunang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Paolo, hindi ito direktang nagsalita sa tunay na kalagayan ni LJ dahil mas mabuting ang aktres na lang umano ang tanungin. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, kinumpirma ni Ms Wilma Galvante, Senior Vice President for GMA Entertainment TV, na buntis nga si LJ. Ayon sa ulat, inamin nina LJ at Paolo ang pagbubuntis ng aktres nang nakausap ni Ms Galvante. Magpupunta si LJ sa ibang bansa para makasama ang ina, habang maiiwan naman si Paolo sa Pilipinas upang tapusin ang kanyang mga trabaho. Tiniyak naman ng GMA Network na mananatili ang suporta nito kina LJ at Paolo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa weekend ay magsasalita sina Paolo at LJ sa showbiz talk show na Startalk sa Sabado at Showbiz Central sa Linggo. Ito na rin umano ang pagkakataon ni LJ para magpaalam pansamantala sa kanyang mga tagahanga. “Ready silang harapin itong responsibilidad na ito, buo ang loob nila hindi naman sila nagtatago," ayon kay Ms Galvante. - FRJ, GMANews.TV
Tags: ljreyes
LOADING CONTENT