Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Paraisong Uhaw" (Dokumentaryo ni Kara David)


Episode on April 19, 2010 Monday, after Saksi! “Paraisong Uhaw" Documentary by Kara David Water mixed with mud. Water that tastes like mud. This is what residents in Sampad, Masbate must deal with on a day to day basis. With no permanent source of clean water, they dig wells with their bare hands hoping to tap into some water from the earth. But with widespread drought, the dug wells bring little relief. A UNICEF study has found that Masbate has the least access to potable water among twenty-four provinces they surveyed. Barangay Sampad in Balud Masbate has the highest proportion of population without access to clean water. In Barangay Rizal, many residents have diarrhea. Their only water source is a well that contains salt water. To the thirsty however, any means to drink is welcome, even if it means having to mix their children’s milk with the salty water from the well. What is it really like to live without this most basic resource? Peabody Awardee Kara David taps into the lives of the thirsty this Monday on I-Witness.
Tubig na may halong lupa. Tubig na lasang lupa. Ganiyan ang araw-araw na natitikman ng mga residente ng Sampad, Masbate . Sa dalawampu’t apat na probinsya na pinagaralan ng UNICEF, Masbate ang lumabas na may pinakamalaking problema sa tubig. Isa ang Barangay Sampad sa Balud Masbate na may pinakamataas na porsyento kawalan ng malinis at maiinom na tubig. Sa barangay na ito, ni hindi sementado ang kanilang mga balon. Wala rin silang gripo. Nakilala ni Kara David ang pamilya Aceron habang hinuhukay nila ang isang balon sa gitna ng lupa para dito mag-igib ng tubig sa pang araw araw. Pero tuyo na ang lupa. Tila disyerto na ang barangay. At kung mayroon mang sumilip na kaunting tubig, titiisin nila itong inumin kahit pa marumi at kulay putik. Pero kung sa Sampad ay pinagtitiisan ng mga tao ang mga tuyong dug well, sa barangay Rizal naman, itinuturing nang biyaya ang maalat na tubig na nagmumula sa kanilang balon. Kahit halos lahat ay may sakit na diarrhea. Kahit ang tubig na ginagamit ng batang paslit para sa pagtimpla ng gatas ay mula sa balon. Paano nga ba mabuhay kung kailangang pagpartehin ang kakaunting tubig? Paano ang gulong ng buhay sa lupang tigang? Samahan ngayong Lunes ang Peabody Awardee na si Kara David sa isa na namang nakamumulat na dokumentaryo sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.