Filtered By: Topstories
News

Manikurista ni Arroyo ‘pinamanahan’ ng mataas na posisyon sa Pag-Ibig


MANILA – Halos dalawang buwan bago iwanan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Malacañang, itinalaga niya ang kanyang manikurista bilang isa sa mga miyembro ng board ng Pag-IBIG Housing Fund. Nitong Miyerkules, kinumpirma ni Deputy presidential spokesman Gary Olivar na itinalaga ni Gng Arroyo si Anita "Nitz" Carpon bilang kasapi ng board ng Pag-Ibig na kakatawan sa mga kawani ng gobyerno. Ang pahayag ay ginawa ni Olivar upang idipensa si Carpon sa mga kritisismo tungkol sa kanyang kakayanan sa pagkakatalaga sa naturang puwesto. "Ang kanya pong kakatawanin is precisely yung maliliit na empleyado na siyang nangangailangan ng serbisyo ng Pag-IBIG. Let us not hold her lowly status against her," paliwanag ni Olivar sa GMA News’ 24 Oras nitong Miyerkues. Naunang nalathala ang pagtalaga kay Carpon sa pahayagng Philippine Star na isinulat ng kolumnistang si Jarius Bondoc nitong Abril 19. Ayon sa artikulo ni Bondoc, ang posisyon na nakuha ni Carpon ay may katumbas na sahod na P130,000 bawat buwan. Nakasaad pa sa isinulat ni na Bondoc na, "no one at the Pag-IBIG Fund cares to answer quiet inquiries about the issue."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nitong Abril 21, isinulat naman ni Bondoc sa kanyang artikulo na bukod kay Carpon, itinalaga rin ni Gng Arroyo ang hardinerong si Armando Macapagal, bilang deputy ng Luneta Park Administration. "Professionals among Malacañang’s housekeeping staff are outraged. Not only did Gloria Macapagal Arroyo appoint her personal manicurist to the board of trustees of Pag-IBIG Housing Fund. She also earlier named her gardener as deputy of the Luneta Park Administration. Both postings are improper sinecures, Palace aides murmur," ayon kay Bondoc. "A third insider doubts the two appointees’ credentials. Macapagal supposedly landscapes Malacañang lawns but does not manage people. Carpon is not known for financial expertise to oversee the multibillion-peso housing mutual fund of all employees. Nicknamed Nitz, she is often scolded by Arroyo for mismatching presidential handbags and shoes," idinagdag ng kolumnista ng Philippine Star. Noong 2002, itinalaga ni Gng Arroyo ang kanyang dentista na si Leonor Tripon-Rosero bilang board examiner for dentistry. Sa sumunod na taon (2003), na-promote si Rosero bilang commissioner ng Philippine Regulation Commission. Pagkaraan pa ng dalawang taon, (Enero 2005), ay nahirang naman siyang pinuno ng PRC.— GMANews.TV