Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera strongly denies 'alcohol' issue


Hindi naitago ni Marian Rivera ang pagkainis sa lumalabas na isyu na halos maligo raw siya sa alcohol nang minsan may mga tagahanga na nagpakuha sa kanya ng larawan sa isang mall. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, iginiit ni Marian na hindi niya gawain na magpahid o gumamit ng alcohol pagkatapos makasalamuha ang mga fans. “Hindi naman ako tanga para magganun, nagpupunta nga ako sa mall show ko na ang daming tao ni minsan hindi niyo ko makikitang mag-a-alcohol," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Kahit i-check ang bag ko never akong naglagay ng alcohol sa bag ko," pagdiin pa niya. Sinuportahan din boyfriend nitong si Dingdong Dantes ang pahayag ng kasintahan. “Kasama ako n’yan kapag maraming tao at ako kung me makikita akong personal na instance na ganun malalaman ko, pero ako wala akong nakikitang ganun," paliwanag ng aktor.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kung nairita si Marian sa intriga ng paggamit daw ng alcohol, tinawanan naman nila ni Dingdong ang iba pang intriga sa kanila tulad ng live in issue at pagpapakasal umano ng aktres sa isang arabo. Ayon kay Marian, hindi niyang magawang magalit sa intrigang nagpakasal siya sa isang arabo dahil masyado raw nakakatawa. Samantala, wala rin daw katotohanan na nagli-live in sila ni Dingdong sa isang condo sa Makati. Pero inamin ni Marian na madalas siyang bisitahin ng binata sa kanyang bahay. “Wala naman sigurong masama kung puntahan niya ako kung makita nila si 'Dong doon. Ang masama kung iba’t ibang lalaki ang nagpupunta sa akin," depensa ng aktres. Nagpapasalamat na lang daw si Mariam dahil sa kabila ng mga naglalabasang intriga ay patuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng maraming trabaho. Mas pagtutuunan na lang daw ng pansin ng dalaga ang mga trabaho tulad ng movie nila ni Dingdong na You To Me Are Everything at gagawin nilang primetime soap sa GMA 7 na Endless Love. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: marianrivera