Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lucy Torres to replace hubby Richard as LP bet in Leyte


Papalitan ni Lucy Torres-Gomez ang mister na si Richard Gomez bilang kandidatong kongresista ng Liberal Party (LP) sa isang distrito sa Leyte makaraang madiskuwalipika ang aktor. Sa primetime news ng GMA 7 na 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Richard na ang paghalili ng asawang si Lucy ang nakikita nilang sagot sa isinampang disqualification case laban sa kanya ng mga kalaban sa ika-apat na distrito ng Leyte. Naglabas ng desisyon noong Pebrero ang Commission on Election (Comelec) para idiskuwalipika si Gomez batay sa inihaing petisyon ni Buenaventura Juntilla, dating kapitan ng barangay, na nagsasabing hindi “bona fide" resident ng Ormoc ang aktor.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nakasaad sa petisyon ni Juntilla na hindi nakamit ni Richard ang one-year residence requirement na itinatakda sa batas para sa mga opisyal na tumatakbo sa posisyon sa isang lugar. Sa naunang panayam, sinabi ni Richard na ang kalaban niyang si Winnie Codilla ang nasa likod ng isinampang disqualification case laban sa kanya. Sa ulat nitong Huwebes sa 24 Oras, sinabi ni Richard na ang paghalili sa kanya ni Lucy ay patunay na hindi personal na kasiyahan ang ginagawa niyang pagtakbo sa distrito sa Ormoc na bayan ng kanyang asawa. “I’m doing this also to prove that I’m not here for personal glory. I’m doing this to help the people of Ormoc," ayon kay Richard Sinabi naman ni Lucy na nakahanda siyang tanggapin ang hamon sa pagpasok niya sa pulitika. “When they were very persistent with the disqualification case, there were already talks that it may come to this, I may have to substitute. We’re ready, we’re prepared," pahayag ni Lucy. - FRJ, GMANews.TV