Filtered by: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Sa Gitnang Silangan


SA GITNANG SILANGAN Ni Randy B. Bataanon Sa Gitnang Silanga'y tinangay ng alon Ang isang pangarap sayo'y naging hamon Kahit na ang puso ngayo'y nakakulong Ang lungkot na angkin pilit kinukuyom Perlas ng Silanga'y dagli mong nilisan May luha sa matang sayo'y kumakaway Naiga ang galak sa iyong paglisan Luntiang paligid nawalan ng kulay Mga dapit-hapon aking binibilang Laging umaasa sa bukang-liwayway Hanggang kaylan kaya ako maghihintay Paano igapos ang lungkot na taglay Ano kayang lunas na maiaampat Ano ang salitang magbibigay lakas Marinig pa kaya ang awit ng galak Sa pangungulila ng naiwang pugad Kulang ang salitang magsasalarawan Di kayang iguhit nadaramang lumbay Bawat gabi'y saksi sa luhang nunukal Kailangan kita, ikay minamahal Ilipad mo hangin sa Gitnang Silangan Ang liham nang puso sa babaeng mahal Di ka man mayakap di ka man mahagkan Ang puso ko'y tanging para sa'yo lamang - GMANews.TV Randy B. Bataanon ng Kuwait Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
More Videos