Filtered By: Topstories
News

Kris Aquino nanindigan kay Roxas; Binay tumabla sa VP survey ng SWS


MANILA – Tumabla na si Makati Mayor Jejomar Binay kay Senador Mar Roxas sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) para sa mga naglalaban sa posisyon ng bise presidente. Kasabay nito, inihayag naman ng aktres na si Kris Aquino sa kanyang Twitter account nitong Huwebes na nananatili ang kanyang suporta at katapatan kay Roxas na nagbigay-daan sa kanyang kapatid na si Sen Benigno “Noynoy" Aquino III para maging kandidatong pangulo ng Liberal Party. “I only have good feelings for Mayor Binay - but my vote is for MAR," nakasaad sa Twitter ni Kris. “Y? Because sya ang unang nakasama ni Noy & I campaigned w/ them & w/ utmost humility he kept defending & uplifting Noy. I saw his loyalty kay Noy so he can count on my loyalty." May mga espekulasyon na lihim na sinusuportahan ng mga kaalyado ni Noynoy si Binay na kilalang matapat na tagasuporta ni dating pangulong Corazon Aquino. Si Binay ay running mate ni dating pangulong Joseph Estrada. Si Sen Francis “Chiz" Escudero ay lantarang sumusuporta tambalang “NoyBi" o Noynoy at Binay. Pinapaniwalaan na sina Escudero at Roxas ang magtatapat sa panguluhang halalan sa 2016.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kumamada ng 12 puntos Sa hiwalay na anunsiyo ni Kris sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, nakasaad na batay sa resulta ng survey na ginawa ng SWS para sa pahayagang BusinessWorld nitong Mayo 2 -3, lumitaw na umangat ng 12 percent si Binay para makapantay si Roxas sa unang puwesto na may 37 percent. Nabawasan umano si Roxas ng dalawang porsiyento sa bagong SWS survey. Mistulang ang 12 percent na pag-angat ni Binay ay mula sa nalagas na 12 percent ni Sen Loren Legarda na nalaglag sa 12 percent. Noynoy lumayo Sa survey para sa mga kandidatong pangulo, lumaki naman ang lamang ni Noynoy na nakakuha ng 42 percent, kumpara kina Estrada na may 20 percent, at Sen Manny Villar na may 19 percent. Nasa ikaapat na puwesto pa rin si administration bet Gilberto Teodoro Jr. sa nakalikom ng 9 percent. Hindi naman makapaniwala ang kampo ni Estrada sa naging resulta ng bagong survey ng SWS na inaasahang ilalabas ng BusinessWorld sa Biyernes. Ayon kay Rafael Calinisan, tagapagsalita ng Partido ng Masang Pilipino, ang resulta ng survey ng SWS ay hindi umano sumasalalim sa katotohanan batay sa kanilang ginagawang pangangampanya. “We do not know how the SWS got these incredible numbers, but we are certain that these numbers do not reflect the reality on the ground," pahayag ni Calinisan sa ipinadalang text message sa GMANews.TV. Naniniwala rin ang tagapagsalita ng PMP na nalampasan na ni Binay si Roxas sa labanan ng bise presidente. – GMANews.TV