Filtered By: Showbiz
Showbiz

Noynoy defends sister Kris over FB's ‘Despedida’ issue


Patuloy ang pagdami ng miyembro ng binuong Facebook group na “Kris Aquino's Despedida." Pero sabi ng actress-host, wala siyang balak umalis ng bansa kahit tiyak na ang panalo ng kuya niyang si Sen Noynoy Aquino III.

File photo: Sen. Benigno Aquino III, kasama si Kris at pamangkin na si Baby James nang ihayag niya ang pagtakbong pangulo noong Sept 11, 2009 sa Club Filipino. Mark Adrian
Hanggang 11:00 p.m. nitong Biyernes, umabot na sa 14,624 ang miyembro ng Facebook group mula nang “makatuwaan" itong gawin noong Lunes (May 10 elections). Paksa sa naturang usapan ang isang pahayag ni Kris na aalis siya ng bansa kapag nanalong presidente si Sen Aquino, at kung magiging pabigat siya sa kanyang kuya. (Basahin: ‘Kris Aquino's Despedida’ FB group creating buzz online) Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nagpadala ng text message si Kris sa StarTalk host na si Ricky Lo para linawin ang naturang isyu. Ayon sa aktres, malinaw ang kanyang naging pahayag noon na aalis lang siya ng Pilipinas kasama ang kanyang mga anak kung magiging pabigat siya sa kanyang kuya. Nagbabakasyon ngayon si Kris at ayaw raw niyang patulan ang mga tinawag niyang “bitter" ngayon. Bukod dito, nagpadala rin umano ang text message sa kanilang magkakapatid si Sen Aquino at nagpasalamat sa kanilang sakripisyo sa pagtulong sa kanyang kampanya. Sa isang press conference naman sa Tarlac nitong Biyernes, ipinagtanggol ni Sen Aquino ang bunsong kapatid kaugnay sa "pa-despedida" kay Kris sa Internet.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "She is a citizen of the republic, she has not committed any crime, why should she leave the country, you just can’t please every one,’’ ayon sa senador na nangunguna sa bilangan ng boto sa mga kandidatong pangulo. Idinagdag ng senador na hindi makatwiran ang panawagan sa kanyang kapatid dahil wala naman daw itong ginagawang masama. Bukod dito, dapat din umanong isipin ang kinabukasan ng kanyang mga pamangkin na sina Joshua at Baby James. - Fidel Jimenez, GMANews.TV