Filtered By: Topstories
News

May 10 elections na-‘hokus PCOS’ – Erap camp


MANILA – Nais ng kampo ni dating pangulong Joseph Estrada na maimbestigahan ang umano’y malawakang bentahan ng mga “pre-programmed" na Compact Flash (CF) cards na siyang nagsilbing utak ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine kung papaano babasahin ang mga boto sa balota. Sa isinagawang pulong balitaan sa Mandaluyong City nitong Sabado, sinabi ni dating senador Ernesto Maceda, campaign manager ni Estrada, na bago ang halalan nitong Mayo 10 ay may mga taong nag-alok ng mga naka-programang CF cards sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) kung sinong kandidato ang mananalo. Ang naturang CF cards ay nagkakahalaga umano ng P30 hanggang P50 milyon bawat isa.

There were brokers who approached us, but as to where these people come from or who they represent, I cannot yet tell right now," ayon kay Maceda na binansagan noon sa Senado na “Mr Expose’.

"There were brokers who approached us, but as to where these people come from or who they represent, I cannot yet tell right now," ayon kay Maceda na binansagan noon sa Senado na “Mr Expose’." Posible umanong inialok din sa ibang partido ang mga CF cards ngunit hindi ito kinagat ng PMP dahil wala silang pondo. Bukod dito, sinabi ni Maceda na maraming natatanggap na impormasyon ang PMP tungkol sa malawakang iregularidad sa nangyaring eleksiyon. Nitong Biyernes, nagpahayag din ng pagdududa si independent presidential candidate Sen Jamby Madrigal sa resulta ng halalan dahil lumitaw na mas marami pang nakuhang boto si Vetallano Acosta kaysa sa kanya. Paniwala ni Madrigal, maging ang kanyang tinutuligsang presidential candidate na si Sen Manny Villar ng Nacionalista Party ay nadaya rin dahil mababa ang nakukuha nitong boto kaysa sa kanyang inaasahan. Sinabi naman ni Atty. George Erwin Garcia, abogado ni Estrada, na isang kandidato sa Laguna at dalawang iba pang kandidatong kongresista (pawang hindi niya pinangalanan), ang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa ibinebentang CF cards. Nais ni Maceda na kumilos ang Kongreso upang imbestigahan ang umano’y nangyaring “Hocus PCOS" sa katatapos na eleksiyon kung saan lumilitaw na mahigit limang milyong boto ang laman ng front runner na si Liberal Party presidential bet Se. Beningno “Noynoy" Aquino III, sa pumapangalawang si Estrada.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa hiwalay na ulat ng DzBB radio nitong Sabado, sinabi umano ng Smartmatic (ang kumpanyang namahala sa mga makina sa isinagawang automated elections), na imposibleng gawin ang pre-program sa CF cards. Bago ang halalan nitong Lunes, idinaan sa test ang mga PCOS machine at CF cards para matiyak na “zero" ang lalabas na bilang sa lahat ng mga kandidato. Pagkatapos itong masuri, sinelyuhan ang mga gamit at muli na lamang binuksan sa araw mismo ng halalan. Samantala, hinihintay pa ng GMANews.TV ang magiging pahayag ng Commission on Elections tungkol sa alegasyon ng kampo ni Estrada. — GMANews.TV