Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino: 'I'll be on my very best behavior'


Nanindigan si Kris Aquino na hindi siya aalis ng bansa, kasabay ng pangako na hindi magiging pabigat sa liderato ng kanyang kapatid na si Senador Benigno “Noynoy" Aquino III. Sa ulat ni Rawna Crisostomo sa GMA news 24 Oras nitong Martes, muling naungkat ang binuong fan page sa Facebook na “Kris Aquino’s Despidida" na umabot na sa mahigit 22,000 miyembro. Ang fan page ay kaugnay sa naging pahayag noon ni Kris na aalis siya ng Pilipinas kapag nanalo ang kanyang kuya Noynoy sa panguluhan at magiging pabigat siya rito. Ngunit iginiit ni Kris hindi siya aalis ng Pilipinas. Aniya, nasambit lang niya ang naturang pahayag noon dahil nadadamay na ang pangalan ng senador sa isyu niya sa showbiz, partikular sa iringan nila dati ni Ruffa Gutierrez. (Basahin: Noynoy defends sister Kris over FB's despedida issue)
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Sinabi ni Noy sa akin, ‘Kristina tigilan mo na ang kadramahan, hindi ito teleserye.’ So you know if my brother took it lightheartedly, na kung tutuusin po ang responsibilidad ko ay para sa kapatid ko at hindi para sa mga naninira ngayon kasi talunan sila," ayon sa actress-host. Idinagdag pa ni Kris na, “Ngayong alam ko na nakabantay ang lahat para mabigyan ko ng sakit ng ulo si Noy, do you honestly think consciously or unconsciously may gagawin ako para may makasira kay noy?" Sa napipintong pag-upo ng kanyang kuya Noy sa Malacanang, pangako ni Kris: “Gagawin ko ang lahat talaga na makakaya ko na tutulungan ko siya without being a burden on him, and I’ll really be on my very best behavior."