Filtered By: Showbiz
Showbiz

Stories about domestic violence make Ruffa Gutierrez cry


Hindi napigilan ni Ruffa Gutierrez na maging emosyunal at lumuha nang madinig ang mga kuwento tungkol sa domestic violence sa dinaluhang forum nitong Huwebes. Bilang pakikiisa ni Ruffa sa mga kababaihang biktima ng karahasan sa loob ng tahanan, ang aktres ang nagsilbing host sa krusada na 'Speak Out Against Domestic Violence.' Dito ay binasa ng mga theater artist ang kuwento ng tatlong biktima ng domestic violence, ayon sa ulat ng entertainment reporter na si Lhar Santiago. Habang nakikinig sa mga kuwento, hindi napigilan ni Ruffa na umiyak dahil bumabalik daw sa kanyang alaala ang pinagdaang buhay noong panahon na nakatira siya sa Turkey. “Siyempre naalala ko rin yung time ko nang pumunta ako dito, umalis ako sa Istanbul and I started a new life. I had nothing…buti nandiyan ang pamilya ko to help me," pahayag ng aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Mula nang umalis ng Turkey kasama ang dalawang anak, may isang bagay raw ang aktres na laging ipinagdarasal pero tumanggi si Ruffa na sabihin kung ano ito. Ngunit inihayag niya na may kinalaman ito sa kanyang mga anak. At nitong umaga ng Huwebes, sinabi ni Ruffa na parang himala raw na nasagot na ang kanyang ipinagdarasal. “Siyempre pagdating sa mga anak mo lumalabas pa rin yung pagiging mommy mo. Kahit hindi ka maging masaya basta mapasaayos mo lang mga anak mo. So I think today God gave me that prayer that I been asking for… and kahit mawala na ‘ko ngayon, kahit bukas alam ko magiging okey yung mga anak ko," patuloy ng aktres. Lalo pang naging emosyunal ang aktres nang ikuwento niya ang kalagayan ngayon ng yaya ng kanyang mga anak na naging karamay niya at naging saksi sa mga pinagdaanan niya sa Turkey. Sinabi ni Ruffa na may sakit na kanser ang naturang yaya at sumasailalim sa chemotherapy. “Hanggat buhay ako I’ll be here for you and sana malampasan mo ‘tong trials na nangyayari sa buhay mo…so ngayon na meron kang cancer, your undergoing chemotherapy, sasamahan din kita ngayon sa laban mo," naiiyak na mensahe ni Ruffa. - FRJ, GMANews.TV