Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Katrina Halili ready to continue court battle with Khos


Nananatiling matatag si Katrina Halili sa kabila ng mga pinagdadaanang niyang pagsubok ngayon at unti-unti nang nagbubunga ang kanyang pagiging palaban sa korte. “Masaya po ako sa resulta ng mga ipinaglalaban ko pero siyempre hindi pa naman po tapos lahat, ‘di ba?" Katrina shared sa kanyang Startalk TX last May 29. “Ipaglalaban ko ang sarili ko. Hindi naman ako papayag na basta-basta nila akong gaganunin." Malinaw sa kanyang pahayag na nananatili siyang palaban sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan sa kanyang buhay ngayon. Patuloy ang kanyang laban kina Hayden Kho Jr. at sa mother nitong si Mrs Irene Kho. Sa June 3 ang arraignment ni Mrs. Kho, at sa June 7 naman ay itutuloy ang cross-examination kay Katrina para sa kasong isinampa niya laban kay Hayden. Hindi ba nakararamdam ng pagod si Katrina sa kanyang ipinaglalaban? “Kapag iniisip ko, at ‘pag malapit na [ang hearing], napapagod, sobra, tapos sobrang stressed," Katrina said sa isang exclusive interview with iGMA.tv. “Pero okay naman po. Happy naman ako sa development ng pinaglalaban ko." Ayon kay Katrina, hindi pa raw sila nagkakausap ni Hayden sa personal. Open naman kaya siya sa pagpapatawad kay Hayden? “Ang hirap sagutin ng tanong [na mapapatawad mo ba siya]. Ang hirap namang isipin na kunwari, sagutin ko ngayon ng ‘Um, siguro’ e hindi naman siya humihingi ng tawad. Tapos nag-isip ako, ang pangit, ‘di ba?" paliwanag ni Katrina. Haggang kailan naman kaya ipagpapatuloy ni Katrina ang kanyang laban para makamit ang hustisya? “Syempre hindi naman ako papayag na pababayaan ko na lang kung ano yung ginawa nila sa’kin, ‘di ba?" Katrina said sa Startalk TX . “Pero wala naman po akong sinasabi na ako na yung mananalo. Wala akong sinasabing ganun. Kung hanggang saan po siya abutin, handa po ako." Nananatili namang masaya si Katrina sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan dahil sa patuloy na pagpasok ng mga projects na kanyang pagkakaabalahan. Aside from being part of Party Pilipinas ay nagbabalik-kontrabida din siya sa pinakabagong primetime drama ng GMA, ang Langit Sa Piling Mo. Maaari niyo rin mapanood at makausap si Katrina sa kanyang first solo live chat with iGMA. May imbitasyon din siya para sa mga chatters who will join this event. “Sana po mag-chat po tayo, tapos chikahan po tayo dun," pag-imbita ni Katrina. On Tuesday, June 8, 2010 from 2 p.m. to 4 p.m. ay personal na sasagutin ni Katrina ang inyong mga questions at mga mensahe para sa kanya. Kaya ihanda na ang inyong mga questions para sa kanya. You can visit www.igma.tv/livechat for more details on this event. - iGMA.tv
LOADING CONTENT