Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maxene Magalona defends 'Ampalaya Anonymous’


Inamin ni Maxene Magalona na napipikon na siya sa mga naglalabasang negatibong komento tungkol sa grupong “Ampalaya Anonymous" na kinabibilangan niya. Ang iba pang miyembro ng Ampalaya Anonymous na binubuo ng mga young actress ay sina Rich Asuncion, Glaiza de Castro, Bianca King, Bubbles Paraiso at iba pa. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na nakatawag ng pansin ang grupo dahil sa mga komentaryong inilalagay nila sa kanilang Twitter account, Facebook at iba pang mga social networking sites. “Ako inaamin ko na asar na asar na po talaga ako. Ang cheap ng isyu, naiinis na talaga ako. Pero siyempre ganun talaga ang showbiz," paliwanag ni Maxene sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Iginiit ng young actress na hindi dapat akusahan na masama ang kanilang samahan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Hindi po kami talaga masasama, wala kaming ginagawa na…siyempre naiintindihan din po naming na dahil puro kami artista nagawan lang ng isyu, na napalaki lang ng todo pero wala talaga," idinagdag niya. Matatandaan na naging kontrobersiyal ang Ampalaya Anonymous dahil pinagtulungan umano ng grupo si Paulene Luna. Naghahanda at excited umano si Maxene sa kanyang bagong project sa Sinenobela na Trudis Liit. Sinabi niya na hindi ito pangkaraniwang sinenobela na puro drama. Isa child star ang makakasama dito ni Maxene na gaganap bilang si Trudis Liit. Hiniling din ni Maxene na itigil na ang isyu sa kanila ng dating ka-love team na si JC Tioseco dahil mabuti na raw ang kanilang relasyon matapos silang magkausap ng binata. - FRJimenez, GMANews.TV