Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Dingdong Dantes talks about Noynoy’s plan for him


First Read on PEP -- After 28 days ng concert tour nila sa ilang key cities sa Canada at U.S., dumating na kaninang umaga (June 8), ang grupo ng Heart2Heart na kinabibilangan nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Marian Rivera, at Dingdong Dantes. Bandang 6:30 ng umaga lumapag ang eroplanong kinalulunanan ng apat mula sa Los Angeles, California. Ilang oras lang pagdating nila ay nakausap agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa pamamagitan ng text messaging. Pagkatapos naming kumustahin ang naging resulta ng concert tour nila sa Canada at U.S.— na naging successful naman daw lahat — ay kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Dingdong sa lumabas na balita habang wala siya sa bansa. Ito ay ang plano raw ni Sen Benigno “Noynoy" Aquino III na bigyan ng puwesto sa gobyerno sina Dingdong at Ogie kapag naluklok na siya sa Malacañang. (Basahin: Noynoy also eyes govt posts for Dingdong, Ogie Alcasid) Hindi naman kasi kaila na kabilang ang dalawa sa mga nagbigay ng malaking suporta sa kampanya ni Noynoy noong panahon ng kampanya sa katatapos na May 10, 2010 elections. Si Dingdong ang naging national convenor ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos NA). Ayon sa lumabas na balita, gagawin daw siyang youth ambassador ni Sen. Aquino. Kaya tinanong namin si Dingdong kung tatanggapin ba niya ito kung saka-sakali. Ayon kay Dingdong, narinig na niya ang tungkol sa balitang kinukunsidera siya para sa isang mahalagang posisyon sa gobyerno ni Sen. Aquino - na posibleng iproklama na sa Miyerkules (June 9). Pero sa ngayon daw ay ayaw muna niyang magbigay ng anumang pahayag lalo na't hindi pa sila nagkakausap ng "incoming President." "I heard about it," sabi ni Dingdong sa text. "I do not want to comment yet and give premature statements about such an important and serious matter because hindi pa naman kami nagkakausap at nakakapag-dialogue with our incoming President. "Although I must admit, kahit na narinig ko pa lang siya mula sa iba, I feel honored that my name came up. But more than honored, I feel inspired to go back to do the things I missed doing here in the Philippines, which is to act, do movies, Endless Love [his upcoming TV series with Marian], and of course, my duty as a responsible citizen to take part in cooperating with the new administration. "Naniniwala ako na may posisyon man o wala," patuloy niya, "lahat tayo ay bahagi ng kagustuhan nating mabago at mapaganda ang kinabukasan ng lahat lalo na ng kabataan. And we should start in our own small way. "Vacation is over, back to business," ayon sa aktor. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung inaasahan ba niya ang pag-o-offer sa kanya ni Senator Aquino ng posisyon sa gobyerno dahil sa naging masigasig niyang pangangampaya noong eleksyon. Pero ayon kay Dingdong, wala siyang ine-expect na kahit anuman. "I offered my services during the campaign as a volunteer just like thousands and even millions did. I did not expect anything in return. However, together with the organization [Ayos NA], which I started for our incoming President, is our commitment to continue our advocacy to inspire the Filipino youth. "Kumbaga, the real work begins after election and that is right about now," pagtatapos ni Dingdong. - Rose Garcia, PEP