Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meet the new ‘Trudis Liit’


Sa pelikulang Trudis Liit nakamit ni Star for All Season Vilma Santos ang kanyang kauna-unahang Best Child Actress award. Ngayon, kilalanin ang bagong kagigiliwan na 'Trudis Liit' na mapapanood sa Kapuso Network. Sa pictorial ng bagong aabangang series sa GMA 7, nasaksihan ni entertainment reporter Nelson Canlas ang pagiging bibo ng bagong Trudis Liit – ang limang-taong-gulang na si Jillian Ward. Nakagawa na si Jillian ng ilang commercial ad at TV show kaya naman hindi na bago sa kanya ang pag-arte. At ang kahanga-hanga sa bata, tila hindi ito nauubusan ng sasabihin at energy. “Ang role ko pa rito ang inaapi po…ang umaapi ko sa’ken ang stepmother ko po…ang stepmother ko po si Pauleen Luna," kuwento ni Jillian.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Batangas governor Vilma Santos ang unang gumanap sa papel na 'Trudis Liit' kung saan nakamit niya ang parangal bilang Best Child Actress noong 1963. Kaya naman nang tanungin si Jillian kung kilala ba niya si Vilma, sagot ng bata, “Siya po yung umiiyak, siya po yung namatay dito, siya po yung tatay ko." Kaagad namang itinama ng mga nakatatanda sa bata ang tamang sagot. Tiniyak naman ng mga magulang ni Jillian na sapat ang pahinga ng kanilang anak at nagagawa nitong makapaglaro at maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hindi raw nila gustong iparamdam sa bata na trabaho ang ginagawa nitong hilig sa pag- arte. “Two-years pa lang siya nakitaan na namin…kasi kumakanta na talaga tapos sumasayaw na siya, tapos haharap siya sa mirror mag-aarte siya," kuwento ni Jennifer, ina ni Jillian. “Manood po kayo ng Trudis Liit…malapit na malapit na,’ pag-imbita sa manonood ni Jillian, - FRJimenez, GMANews.TV