Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Bianca King clarifies 'walkout issue' on a talk show


Naging laman ng showbiz news nitong mga nakaraang araw ang young actress na si Bianca King. Ang dahilan ay ang guesting niya sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central noong Linggo, June 13. Ayon sa mga lumabas na balita ay nagbanta raw si Bianca na magwo-walkout kapag tinanong siya ng co-host ng programa na si John "Sweet" Lapus ng tungkol sa Ampalaya Anonymous. THE QUESTION. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca, inamin niya na nag-request siya talaga na huwag nang tanungin ni Sweet ang tungkol sa Ampalaya Anonymous, ang dating grupong kinabibilangan niya kasama ng iba pang young actresses. Ipinaliwanag niya na standard operating procedure o SOP sa kanilang mga artista ang pagre-request na ipakita muna ang questions sa kanila bago sila sumalang sa isang live interview. "Parang it's also part of preparing yourself," sabi ni Bianca sa thanksgiving presscon ng The Last Prince kagabi (Miyerkules), sa 17th floor ng GMA Network Center. Paliwanag niya, "May mga ibang things po kasi na mas magandang hindi na pag-usapan kasi mas maraming madadamay na tao. At saka kapag na-address na siya, kapag nagpa-interview na ako before, ang pangit ng paulit-ulit, parang nagiging gasgas yung issue. Tapos ang sasabihin pa ng mga tao is 'sinasakyan yung issue para mapag-usapan,' ganun." Kinumpirma naman ni Sweet na may ganun ngang request si Bianca sa news item na lumabas dito sa PEP Alerts noong Linggo. Ani Sweet, "Ayaw niya [Bianca] ipatanong yung last question na 'Bilang miyembro ng Ampalaya Girls, sa palagay mo ba, may nasaktan kayong ibang tao? Don't lie to me. Yes or no?' Nag-okay naman daw ang manager niyang si Arnold Vegafria. Pero ayaw talaga niya at baka magalit daw si Maxene [Magalona]. Di ko nga ma-get kung bakit. Di ko na rin tinanong." Pero hindi na rin daw ginamit ni Sweet ang tanong. Aniya: "Kapag nag-walkout siya, magmumukha siyang bastos at magagalit ako. Masama pa naman akong magalit." Tinanong ng PEP si Bianca kung totoo bang na-clear na kay Arnold yung question para sa kanya, pero siya ang hindi pumayag? "Not the way the question was written," sagot ng 25-year-old actress. Ayaw na ring i-elaborate pa ni Bianca ang tungkol sa specific question na ni-request niyang huwag nang itanong. "I would rather not talk too much in depth, out of respect [for] the show," sabi niya. "But it was a miscommunication. Everyone was misinformed. My manger was misinformed, the show was misinformed, I was obviously misinformed. "If these things happen, ako naman, I just handle it the best way I can. You take it with a grain of salt. You do your job. And you apologize to people you may have hassled. Move on, 'yon. It's not a big issue." Kumusta na sila ni Sweet? Nagkausap na ba sila? "Very good actually," sagot ni Bianca. "Magka-text lang kami nung Monday [June 14]. He even gave me really good advice. Ano lang, I think nung Sunday, dala ng tension yung kaguluhan. Everyone was acting on impulse. "Alam naman ng lahat ng tao na sumama yung loob ko. It was pretty obvious and I even admitted it. There's no reason for me to deny that. Siya [Sweet] siguro, sa tensiyon na rin, baka sumama rin yung loob niya... But nung magka-text kami, ang ganda ng mga sinabi namin to each other." WALKOUT ISSUE. Nilinaw rin ni Bianca na hindi siya nagbantang mag-walkout sa Showbiz Central. "I did not threaten them. I don't know how that came about," sabi niya. "Just let it be. I don't wanna hard-sell and defend myself. I think a normal human being would not react in such a way kung hindi naman siya mapu-provoke. I'm normally very patient talaga. Ano ako, very resilient din ako pagdating sa mga bagay that don't go as planned. "Pero when there other people involved, when other people are going to get affected, sometimes I have to put my foot down. It's because I'm considerate of other people's feelings. Kahit na they say bad words about me, okay lang na magiging nega yung feedback sa akin sa show, basta ayokong mandamay ng ibang tao. That's more important to me. Kasi yung bad issues naman, kakalimutan din 'yan ng mga tao. "Actually my manager, Arnold [Vegafria], called me up this morning [June 16] and give me really good assurance. 'You know what, I'm very happy that you're being talked about now. Maganda yung merong controversy paminsan-minsan. And you have nothing to worry about kasi maganda yung work mo sa GMA, like nobody complains about your work attitude, you're very professional, you know all your lines all the time, and that's what more important. Kahit anong nega tsismis pa 'yan, hindi 'yan mao-overshadow ng the actual work that you do, 'saka yung pakikisama mo sa mga tao.' Kaya ako, parang hindi na ako maba-bother sa mga ganyang issue," mahabang pahayag ni Bianca. HEART EVANGELISTA. Isa pang isyung kinasasangkutan ni Bianca ay ang away raw nila ng kasamahan niya sa Party Pilipinas na si Heart Evangelista. Ayon kay Bianca, wala siyang idea kung saan nanggaling o kung sino ang nagpakalat ng sinasabing "silent war" nila ni Heart. Kumusta sila sa Party Pilipinas, lalo na't parati silang magkasama sa mga production number bilang mga miyembro ng Glam Girls? "Ako, I greet everybody. I'm gracious to everyone. It's just my nature," maikling sagot ni Bianca? Binabati rin ba siya ni Heart? "I think you should ask her that," sagot niya. Bagamat matipid siya sa pagsagot, halatang may katotohanan ang balita tungkol sa kanila ni Heart. "That's why I don't want to say anything also. Basta ako, I have a clean conscience," nakangiting sabi ni Bianca. - Erwin Santiago, PEP