Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘I will suspend being active on Twitter,’ says Kris Aquino


Matapos niyang ihayag sa kanyang Twitter account kamakailan na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng mister na si James Yap, ipinaalam ni Kris Aquino nitong Biyernes na hindi na siya magiging aktibo sa pag-update ng kanyang account. Sa kanyang tweet nitong Biyernes, sinabi ni Kris na tinawag ng kanyang kapatid na si President-elect Benigno “Noynoy" Aquino III ang kanyang pansin tungkol sa kanyang nai-post na may kinalaman sa kanyang pamilya. “I received this tweet several days ago- bakit hindi nyo minemention si james sa mga tweet nyo, only josh & baby james? I replied to it w/ honesty. My attention was called by Noy about this," ayon sa TV host/actress. "So in the interest of keeping what is left of our privacy- I will suspend being active on twitter," pahayag ni Kris sa kanyang account na itsmekrisaquino. Nitong Miyerkules, ipinaalam ni Kris sa pamamagitan din ng naturang social networking site ang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan ng mister na si James na nangyari noong panahon ng kampanya. Ito ang sinasabing isinagot ni Kris tungkol sa tanong tungkol kay James: “To answer one of your tweets re james. We went through a difficult time during the campaign- stress & long hours led to a big misunderstanding. I have never lied to all of u- until now hindi pa completely na-fi-fix. That's y I've just chosen to keep quiet since it's something very private." Bukod sa tanong sa tweet tungkol kay James, may mga nakapansin din sa Facebook account ni Kris kung bakit hindi wala si James at tanging ang mga anak lamang nito na sina Joshua at Bimby (Baby James) ang kasama niya sa kanyang profile picture. Sa napipintong pagtigil ni Kris na gamitin ang kanyang account, nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga taong sumubaybay sa kanya sa naturang social networking site. “It doesn't make sense for me to leave SNN & Buzz & keep this avenue open for people to speculate & judge. Sometimes being quiet (obviously difficult for me) is the only prudent course when u r the sister of the country's president elect. Thanks to all who followed my tweets," ayon kay Kris. - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV

Tags: krisaquino