Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Amazon (Documentary by Kara David)


Episode on June 21, 2010 Monday after Saksi! AMAZON (An I-Witness Documentary hosted by Kara David) In a rare television moment, Kara David embarks on a documentary about the biggest tropical rainforest in the world – the Amazon in Brazil. The Peabody Award-winning host and her team travel for more than two days to reach the Amazon rainforest, which is considered to be the “cradle of species" having the largest collection of flora and fauna on the planet. Going deep into the Amazon, Kara and her team embark on a boat cruise to Rio Negro, the biggest tributary of the Amazon River, also the biggest river in the world. Although the name Rio Negro literally means black river, its waters are not necessarily black, but similar in color to strong tea. It is also infested with the ferocious meat–eating piranhas that are said to attack other animals, even humans. More than the notoriety of the piranhas in Rio Negro, the river is also famous for the Amazon freshwater dolphins. They are the only known dolphins in the world that have an amazing pink coloration. These pink dolphins demonstrated their friendliness when Kara David went for a dip in Rio Negro. However, due to pollution and excessive fishing, pink dolphins are among the most endangered species in the Amazon. The journey also brings Kara and her team to an adventure of close encounters with other animals that inhabit the Amazon, such as sloths, iguanas, caymans and the boa constrictor. Kara gets a rare opportunity to meet the Satere Mawe tribe, a Native Indian group that is known for their initiation rite for young males. The ritual involves weaving hundreds of bullet ants into a glove for the adolescent boy to wear for ten minutes. The ant venom temporarily paralyzes the boy’s hand and arm, which may last for days. This bullet ant is the biggest type of ant in the world and is ranked number one for the most painful sting, according to the Schmidt Sting Pain Index. Discover why the Amazon Rainforest in Brazil is the land of superlatives this Monday night after Saksi.
AMAZON (Dokumentaryo ni Kara David) Sa isang katangi-tanging television event sa Pilipinas, matutunghayan sa dokumentaryo ng Peabody Award winner na si Kara David ang pinakamalaking tropical rainforest sa buong mundo – ang Amazon sa Brazil. Mahigit dalawang araw ng paglalakbay ang kinailangan para marating ang gubat ng Amazon na tinaguriang "cradle of the species" dahil sa gubat na ito naninirahan ang may pinakamaraming uri ng mga halaman, hayop at insekto sa planeta. Sa pagpasok sa loob ng Amazon, binagtas ni Kara David ang ilog Rio Negro, ang pinakamalaking sangay ng Amazon River na tinagurian ding pinakamalaking ilog sa buong mundo. Rio Negro o Ilog Negro ang pangalan ng ilog na ito dahil sa mala-tsaang kulay ng tubig na taglay nito. Tirahan din ang ilog ng mga kinakatakutang piranha, ang isdang nagatataglay ng matatalas na ngipin na umaatake sa ibang hayop maging sa mga tao. Pero kung may mababangis na piranha, mayroon ding maaamong freshwater dolphin na nakipaglaro kay Kara sa Rio Negro. Kakaiba ang mga dolphin na ito dahil sila lang ang uri ng dolphin sa mundo na kulay rosas ang balat. Pero dahil sa polusyon at iligal na pangingisda, napabilang na rin sa listahan ng mga endangered species ang mga pink dolphin. Sa kapal ng gubat ng Amazon, hindi rin matatawaran ang mga hayop na nakitang malapitan ni Kara David tulad ng mga sloth, cayman, iguana at boa constrictor. Nagkaroon din ng pambihirang pagkakataon na makasalamuha ni Kara David ang tribung Satere Maue, isang tribu na kilala sa buong mundo dahil sa kanilang ritwal para sa mga batang lalaki. Sa loob ng sampung minuto, kailangang ipasok ng isang batang lalaki ang kanyang kamay sa isang glove na may nakatahing mga bullet ant, ang pinakamalaking uri ng uri ng langgam at itinuturing na pinakamasakit ang kagat sa buong mundo ayon sa Schmidt Sting Pain Index. Dahil sa kamandag ng langgam, napaparalisa ang kamay at braso ng batang lalaki at maari itong magtagal ng ilang araw. Alamin kung bakit lahat na yata ng ‘pinaka’ ay matatagpuan sa Amazon ngayong Lunes ng gabi sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.