Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino attends Noynoy inaugural sans James Yap


Kris Aquino-Yap and son Baby James arrive at Wednesday's inauguration rites without her husband James Yap. The couple's marriage turned for the worse after Kris, sister of President Noynoy Aquino, earlier called it quits. Geric Cruz
Nakasuot ng dilaw na dilaw na gown, dumalo ang kontrobersiyal na television host na si Kris Aquino sa inagurasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na hindi kasama ang asawang si James Yap. Sa nakaraang panayam kay James, tiniyak ng sikat na basketball player na dadalo siya sa inagurasyon ni Noynoy sa kabila ng naging pahayag ni Kris na para sa kanya ay tapos na pagsasama nila ng kanyang asawa. Kasama ni Kris na dumalo sa inagurasyon ang tatlong-taong-gulang na anak nila ni James na si James “Bimby" Yap Jr., na nakasuot ng kulay dilaw na barong. Sa panayam ng GMA News.TV kay Rene Pardo, incoming chairman ng Philippines Basketball Association (PBA), sinabi nito na hindi nakapunta sa inagurasyon ni Noynoy si James dahil dumalo ito sa practice ng kanyang team na B-Meg Derby. Itinuturing importante ang susunod na laban ng B-Meg kontra sa San Miguel dahil simula na ito ng semi-finals sa liga. Magkakasama at magkakatabi sa upuan sa inagurasyon ang apat na kapatid na babae ni Noynoy na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada at Viel Aquino-Dee. Hindi naman kalayuan ang nobya ni Noynoy na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Suko na ako Una rito, sinabi ni Kris na para sa kanya ay tapos na ang limang taong pagsasama nila ni James. Tumanggi ang actress/host na sabihin ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ng mister. "Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying it's over, the only person I will owe an explanation to and the only person who can demand from me, 'Bakit kayo naghiwalay?,' is my son," pahayag ni Kris. "He deserves to hear (the reason) only from me and only from James. We owe it to him... to explain to him," idinagdag niya. Bago nito, inihayag ni Kris sa kanyang Twitter account na nagkaroon sila ng matinding hindi pagkakaunawaan ni James noong panahon ng kampanya at hindi pa iyon nalulutas. “Matagal naming sinubukan. James and I really tried to make this work. On my part, with finality, I can say ako ay sumuko na," ayon kay Kris. - FRJimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT