Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sing along with Noel Cabangon’s, ‘Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago’


Bukod sa talumpati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, ang mga awitin ni Noel Cabangon ang nag-iwan ng marka sa mga Pilipino na sumubaybay sa makasaysayang inagurasyon sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Miyerkules. Balikan natin ang pagtatanghal ni Noel Cabangon at sabayan ang nilikha niyang awitin na, ‘Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago!:’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago! Lumingon sa ‘yong paligid Buksan ang mata’t isip At iyong makikita Kay daming batang lansangan Bahay na nagsisiksikan ‘Di tiyak ang kinabukasan Bakit mayayaman lang ang lalong yumayaman At ang karamihan Labis ang kahirapan Dapat na tayong lumaya sa kawalan Iwaksi ang katiwalian Tuloy pa rin ang laban Tayo’y kumilos na! Chorus: Tungo sa pagbabago Para sa pagbabago Ngayon na, ngayon na! Tungo sa pagbabago Para sa pagbabago Bayan ko, ngayon na! Tulay: Ang pagbabagong nais mo sa ‘ting bayan Sa sarili ay dapat nang simulan Dapat ipakita na kaya nating mabuhay Nang marangal, matapat, mapagmahal at mahusay Kaya’t kumilos na! (Repeat Chorus) Rap: Ang bawat bata’y dapat nasa eskwela Nang kinabukasan ay mayroong pag-asa Trabaho at bahay sa bawat Pilipino Nang paglikas ay unti-unting mahinto Yaman ng bayan ay dapat pakinabangan Ng buong bayan at ‘di lang ng iilan Dagat, bundok, gubat, ilog at kapatagan Gawing ligtas at dapat pangalagaan Ang hustisya ay dapat mamayani Mayaman ka man o mahirap na uri Utang ng bayan na baya’y ‘di nakinabang Dapat nang putulin at huwag nang bayaran Karapatan ay dapat nating igalang Karahasan ay huwag pahintulutan Digmaan ay dapat nang malunasan Kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa At wastong pamamahala sa pamahalaan (Repeat Chorus) - GMANews.TV

LOADING CONTENT