Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sing along with Noel Cabangon’s 'Ako’y Isang Mabuting Pilipino’


Bukod sa talumpati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, ang mga awitin ni Noel Cabangon ang nag-iwan ng marka sa mga Pilipino na sumubaybay sa makasaysayang inagurasyon sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Miyerkules. Balikan natin ang pagtatanghal ni Noel Cabangon at sabayan ang nilikha niyang awitin na, 'Ako’y Isang Mabuting Pilipino’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ako'y Isang Mabuting Pilipino Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang Bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at hindi nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan. Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan ‘Di na makahambalang parang walang pakialam. Pinagbibigyan ko ang mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Tiket lamang ang tinatangap kung binibigay At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno. ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan. ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagan ko ang aking kapaligiran ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok Pingtatanggol ko ang aking karangalan ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘Di ko binebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan 'Di ko binubulsa ang pera ng bayan Pinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Ginagalang ko ang aking kapwa tao Pinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko. 'Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin. Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin 'Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino. - GMANews.TV