Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vicki Belo criticized over Charice botox issue


Mainit pa ring pinag-uusapan ang pagpapa-botox ng international Pinay singing sensation na si Charice Pempengco. At sa talakayan sa mga blog at social networking site ay hindi kaligtas sa mga puna si Dra Vicki Belo. Tila lalo pang naging kontrobersiyal ang pagpapa-botox ni Charice noong Sabado na ginawa mismo ng kanyang ninang na si Dra Belo, matapos magpalabas ng pahayag ang kampo ng singer tungkol sa tinawag na non-surgical procedure. Ang mga larawan at video footages ng ginawang procedure ni Dra Belo ay kumalat na sa Internet at pinag-uusapan sa iba’t ibang bansa. Sa on-line news website ng Philippine Entertainment Portal (PEP), iniulat na nilinaw ng celebrity surgeon na si Dra. Belo na wala silang ginawang “makeover" kay Charice. Aniya, "I don't consider this as a makeover kasi from the beginning, I think people like the way she looks and even sa abroad tanggap na yung looks niya. Kasi for me, when you say makeover, nandun na yung noselift, deep-set the eyes, ganun," paliwanag niya. “Eh, wala nga kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally look three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya," patuloy ni Dra Belo. Idinagdag sa ulat na sa three years na nagpupunta ni Charice sa Belo Clinic, ngayon lang umano ipinayo ni Dra. Belo sa kanyang inaanak na singer na mag-undergo ng botox at thermage. Kuwento niya sa PEP, "Ang ginagawa lang kasi ni Charice dito is facial. Pero napansin ko nga medyo lumalaki ang mukha niya compared to her face three years ago, it's bigger now. And that's because mahilig siyang mag-chew ng chewing gums. Yung chewing muscles natin dito sa side [ng face], nagiging strong siya. Parang yung muscles natin na kunwari gusto mong magpalaki ng katawan, mag-workout ka. So, parang ganun ang nangyayari. Ang remedy doon is to botox the muscles so that it will relax and magiging flat na siya. Kaya liliit ang mukha niya." Para saan naman ang thermage? "Yung thermage pampaliit ng face. It's radio-frequency energy kasi mas malalim ang abot niya compared sa iba. Ang mangyayari sa face niya, mali-lift yung side ng cheeks niya para lumiit yung face niya," saad ni Dra. Belo. Sa hiwalay na ulat sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, inamin ni Charice na ang pagpapasailalim niya sa naturang procedure ay bahagi ng kanyang paghahanda at magmukha siyang “fresh" paglabas niya sa sikat na programa sa US na “Glee." Idinagdag pa sa naturang entertainment segment ng 24 Oras, na nilinaw ng kampo ni Charice na walang kinalaman sa itsura ng singer ang ginawa nitong nagpapabotox, at sa halip ay para remedyuhan lang ang problema sa panga ng 18-anyos na singer. Sinabing ang panga ni Charice ay dumaranas ng katulad na TMJ o temporomandibular joint disorder o pananakit ng bahagi ng mukha kaya kailangan itong ipa-botox. Iginiit na walang kinalaman ito sa anumang plano na baguhin ang itsura ng Pinay singing sensation. Safe ba sa teenager? Bukod sa “pagbabago" ng itsura, may mga kuwestiyon din kung ligtas bang sumailalim sa botox procedure sa isang teenager na katulad ni Charice? Sa panayam ni entertainment reporter Audrey Carampel sa Chika Minute nitong Miyerkules, sinabi ni Dr Carlos Lasa, plastic surgeon, na hindi naman peligroso ang botox kay Charice na maituturing na umanong “adult" sa edad na 18. “At 18 you’re considered an adult. So age wise there is no contra-indication for botox injection if done properly by an accredited plastic surgeon o dermatologist," pahayag nito. Bukod pa rito, sinabi ni Dr Lasa, na ang botox ang nangungunang non-surgical procedure ng mga may-edad na upang mawala ang kulubot sa kanilang mukha. Puwede rin umanong i-inject ang botox sa kili-kili at palad para maiwasan naman ang labis na pagpapawis. At bukod sa cosmetic purposes, ginagamit din minsan ang botox para sa “functional reason," na kung paniniwalaan ang kampo ni Charice ay upang maremedyuhan ang problema nito sa panga na posibleng nakuha sa madalas na pagnguya ng chewing/bubble gum. Ayon kay Carampel, sinubukan nitong makuha ang panig ni Dra Belo tungkol sa mga bumabatikos sa ginawang nitong pagbotox kay Charice pero tumanggi umanong itong magsalita. Samantala, nasa Japan naman umano si Charice kasama ang ina at hindi na rin makuha ang reaksiyon. Negative reactions Sa iba’t ibang entertainment news websites, blogs, at social networking sites, maraming puna ang laban kay Dra Belo dahil sa hinalang siya ang higit na nakinabang sa nilikhang publisidad ng pagpapa-botox ni Charice. Sa website na PerezHilton.Com kung saan lumabas ang video ng non surgical procedure ni Charice, may naglagay ng komento na: * That is for facial contouring only. Para mejo maging oval ung face nya at inde bilog. Temporary lang naman yan at hinde syrgery kaya ok lang. Doesn't matter. As long as she will look beautiful at her appearances for GLEE --- GO!!! Wag na masyadong mareklamo pwede ba! Dami arte ng mga iba jan pero pagnagkapera, I'm sure magpapaBelo din yan! * if not cosmetic purposes why cosmetics surgeon?....why not dentist or ortho?...explain it pls...damage has been done..you cannot take it back..people are not that stupid. *she only did it for medical reasons. She's too young to have botox. She's naturally beautiful and talented as well. She's a celebrity now and on her way to stardom.You can't do anything about it.She's a lot better than you haters.she's earning a lot more than you are..perhaps 30x or more. Enough to pay your credit card bills or home mortgage or even buy you a new house Maging sa fan blog ni Charice ay may mga negatibong reaksiyon din sa ginawang procedure sa singer: * what was really bad that you got used by belo for cosmetic surgery...i hope glee won't drop you after this news. glee is a family show, and you even used their name for your cosmetic purposes. and that was really bad...bad bad.....very bad call. * …I hope you will and remain the same child she brought up ... humble, loving, simple and contented on your NATURALLY ROUND FACE. Don't make it narrower because the gain goes to Vicki Belo, not you. Your natural beauty is the beauty we love. Your voice, your smile, your attitude, your gracefulness, your godliness, and your deep love to your mother made us proud of you. *… First of all, it shocked me that you got this cosmetic surgery, it does not matter what it is, what it is still is cosmetic enhancement. Here in america, nobody at that age likes that. They will love you for who you are. and not what filipino audience would like you to see in front of camera. you gut to understand that filipino audience wont bring you the dough. it is the american influence that will make you global. and not the philippines. In america, a person of your age should set a role model, and getting an enhancement is really really bad. what the… do your PR think about this from philippines. that is really really bad, and it shock me. Marami ang negatibong komento sa artikulo tungkol sa procedure ni Charice na lumabas sa website ng PEP at Facebook fan page ng GMANews.TV: *kawawa naman si charice napagpiyestahan. this is really a wrong move on publicity! *belo is unstoppable...binalandra talaga nya ang mga photos ni Charice sa official facebook like page nila...at may tittle pang Charice got Belofied for Glee....tsk tsk tsk! Belo come on! pakana mo ang lahat ng ito! Sinamantala mo ang innocence ni Charice... *i dunno kung panalo talaga si belo sa isyung ito. negative ang impact sa mga tao e. mas dumami lalo critics nya. im sure daming nagtataasan ng kilay doon sa theory nya. *kelangan pb tlga ng makeover??????? *Grabe naman, 18 years old is too young for anti-aging treatments like Thermage and Botox :( *I grew up in Hollywood and fact is, every star goes through some kind of procedure for a movies or shows, young and old... that's their "way" of trying to make the show better for the sake of the viewers... Charice's age is actually not "too young" anymore, I've seen bigger changes in stars younger than her. - Fidel Jimenez, GMANews.TV