Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sharon Cuneta hurt by Tito Sotto's non-support of Kiko's SP bid


Nagsalita na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa hindi pagsuporta ng kanyang uncle na si Senador Tito Sotto sa kandidatura ng kanyang mister na si Sen Kiko Pangilinan sa labanan ng Senate Presidency. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, inamin ni Sharon na nasaktan siya sa naging desisyon ng kanyang uncle Tito pero iginagalang umano niya ito. “Kasi parang mayroon ng 11 (senators) na naniniwala sa asawa ko, na ready to support. Ang alam ko meron lang ibang dahilan kung bakit hindi siya masu-support ng uncle Tito ko. Masakit lang sa’ken kasi kung sino pa yung malapit na malapit, magkakamag-anak, we’re family, so parang pati family hindi dapat nai-involve as much as possible ayokong ma-involve," pahayag ni Sharon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Ayon naman Sen Tito, nagkausap at nagkapaliwanagan na sila ni Sharon at maging ng asawa nitong si Sen Pangilinan tungkol sa desisyon niya na suportahan ang ibang aspirante bilang Senate President.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nagkausap na kami, binanggit ko nga na mayroon akong mga kausap dati at may mga kaibigan ako na tumulong sa akin dati na hindi ko naman basta puwedeng talikuran," paliwanag ni Sen Tito. Bukod kay Pangilinan, ikinukonsiderang kandidato sa Senate Presidency sina Sens Manny Villar at Juan Ponce Enrile. Nauna rito, sinabi ni Sotto na susuportahan niya si Enrile kung tutuloy ito sa pag-asinta sa pinakamataas na posisyon sa Senado. Sa kabila ng mga pangyayari sa ambisyon ni Pangilinan na maging pinuno ng Senado, sinabi ni Sharon na patuloy pa rin ang ugnayan nila ng kanyang uncle Tito. “Ako mahal ko ang uncle Tito ko. I think kaya nga masakit second daddy ko siya pero naiintindihan ko rin. Kasi mayroon mga factors na hindi puwedeng pag-usapan," ayon sa singer-actress. Samantala, nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum ang concert ni Sharon na “Megadrama," sa August 7. - FRJImenez, GMAnews.TV