Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso host Grace Lee reacts on her rumored romance with James Yap


Sinagot ng Korean Kapuso host na si Grace Lee ang lumabas na mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa kontrobersiyal na basketball player na si James Yap. Hindi pa man natatapos ang usapin tungkol sa problema ng pamilya ni James at television host-actress na si Kris Aquino, lumabas naman ang blind item na nagpapahiwatig na magkasama sa isang beauty solon ang sikat na basketbolista at si Grace. Pero sa panayam ng entertainment reporter na si Audrey Carampel para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, mariin itong pinabulaanan ni Grace. Ayon kay Grace, hindi niya kilala si James kaya nahihiya siya rito nang lumabas ang ulat na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Humingi raw siya ng tulong sa kanyang co-host sa Diz Is It na si Bayani Agbayani para i-text ang kaibigang basketbolista.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “I asked for his (Bayani) help. Actually kasi nahihiya ako with what he is going through, I really think it’s unfair, "patungkol ni Grace sa problema ni James sa pagsasama nila ni Kris. Bukod kay James, nilinaw din ni Grace ang mga ulat na romantikong nag-uugnay din sa kanya sa isa sa mga miyembro ng pulitiko na tinawag noon na “Spice Boys." Bagaman tumanggi si Grace na tukuyin kung sino sa mga “Spice Boys" ang iniuugnay sa kanya, kabilang sa mga dating miyembro ng grupo ng mga pulitiko sina Mike Defensor, Ricky Sandoval, Ace Barbers, Sen Miguel Zubiri, Rep. Ronaldo Andaya at Caloocan Mayor Enrico Echiverri. Paliwanag ni Grace, matagal na niyang kaibigan ang ilan sa mga pulitikong ito na tinatawag niyang “kuya" dahil mas matanda sa kanya ang edad. Aminado si Grace na mayroon siyang boyfriend ngayon at naapektuhan siya sa mga ulat na inuugnay siya sa mga pamilyadong tao na. - FRJimenez, GMANews.TV

LOADING CONTENT