Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pacquiao to soon-to-be-married Krista Ranillo: ‘Sana masaya ka lagi’


Nagbigay ng mensahe si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa seksing aktres na si Krista Ranillo na dating naugnay sa Pinoy boxing icon, at ngayon ay napabalitang ikakasal na sa susunod na buwan. Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, ipinakitang napahinga ng malalim si Pacquiao nang malaman na tungkol kay Krista ang itatanong sa kanya. Bagaman napatawa, nagbigay ng maigsing mensahe ang bagong halal na kongresista sa magandang aktres na balitang ikakasal sa darating na Agosto sa umano’y “childhood sweetheart" nito na si Niño Lim.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Good luck sa kanya, congratulation sa kanya at sana masaya siya palagi," ayon kay Pacquaio. Sa isang panayam kay Krista noong Hunyo, humingi siya ng paumanhin sa mga taong sinasabing nasaktan niya. Madalas ngayon si Krista sa US dahil sa kanyang negosyo at doon umano niya muling nakita ang fiancé na si Niño, na dati na ring kakilala ng kanyang pamilya mula pa noong mga bata. - FRJimenez, GMANews.TV