Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe breaks silence on rumored bf Rep Singson drug case in HK


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Lovi Poe tungkol sa drug case na kinakaharap sa Hong Kong ng napapabalitang nobyo niya na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, nagpaliwanag ang batang aktres kung bakit iniwasan niya ang media nang pumutok ang balitang nahuli sa Hong Kong si Roland dahil umano sa pagdadala ng ilegal na droga. “Masyadong masalen na topic ito that is why I don’t wanna say anything about it first," paliwanag ni Lovi sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Nang tanungin kung kamusta naman ang kanyang emosyon, natatawang isinagot ng dalaga na, “Emotions? Ah lutang." Hindi rin umano niya inaasahan na may makakakita sa pag-iyak niya sa dressing room ng Party Pilipinas last Sunday, na maaaring dulot daw ng kanyang sobrang pagod.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bagaman walang direktang pag-amin sa kanilang relasyon ni Rep. Ronald, sinabi ni Lovi na nagpapasalamat siya sa mga trabahong ibinibigay ng Kapuso Network na nagsisilbi niyang therapy at para may pagkaabalahan. Sa mga naunang panayam, sinabi ni Ilocos Sur Governor Luis “Chavit" Singson na nag-away ang kanyang anak at si Lovi kaya nagtungo ang kongresista sa Hong Kong patungong Macau nang masabat ang binata sa paliparan noong nakaraang buwan. Samantala, natuwa naman rin si Lovi nang malaman na sa Palawan gagawin ang taping ng episode nila ni Rocco Nacino sa Love Bug dahil magkakaroon siya ng pagkakataon na makapag-isip. At sa tanong kung ano ang tanging hangad ngayon, sagot ni Lovi, “I just wish everything will be okey." - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV