Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wendell Ramos speaks about his alleged illegal drugs case


Nagsalita na at nilinaw ng Kapuso hunk actor na si Wendell Ramos ang mga lumabas na balita na nakulong umano siya dahil sa isang kaso na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga. Sinabi ni Wendell sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, na abala siya ngayon sa bago niyang proyekto na comedy series na JejeMom. Dito ay muli niyang makakasama si Eugene Domingo. Masaya raw ang aktor sa mga comedy project na nakukuha niya. Ito ang ikalawang pagsasama nila ni Eugene matapos ang episode ng SRO Cinemaserye: Hot Mama. Tulad ng gag show niyang Bubble Gang, sinabi ni Wendell na hindi nila kailangang gumawa ng bagay na nakakatawa sa bagong comedy series. Aniya, ang script at eksena mismo nila sa JejeMom ang magpapatawa sa mga manonood.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ngunit kahit nalilinya sa comedy, seryoso namang sinagot ni Wendell ang tanong ng media tungkol sa lumabas na ulat na nakulong siya dahil sa kaso ng illegal drugs. Totoo nga ba ito? “Wala, hindi totoo. ‘Yan lang ang sasabihin ko," pahayag ni Wendell sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Nakatuon daw ang atensiyon ng aktor sa kanyang trabaho at ayaw na niyang pansinin ang mga negatibong isyu na naglalabas tungkol sa kanya. “Wala na akong comment sa mga gumawa ng ganung isyu, saan man nila nakuha ‘yon. Basta ako, hindi totoo ‘yon," deklara niya. Ang mahalaga umano ay nananatili ang suporta sa kanya at hindi nagpaapekto sa intriga ang kanyang mga mahal sa buhay. - FRJimenez, GMANews.TV