Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Male Rape in the Middle East"


Episode on August 13, 2010 Friday after Saksi! "Male Rape sa Middle East" Hindi na bago sa ating pandinig ang iba't ibang mukha ng pang-aabuso na dinaranas ng ilan nating mga kababaihang OFW, maging pisikal, emosyunal o kahit pa sexual. Pero hindi lang pala sa babae nangyayari ang ganitong klaseng pagwawalanghiya. Kahit pa mismo sa mga kalalakihan! Pero nanatiling tikom ang kanilang mga bibig! Anila sila na raw nga ang inabuso kadalasan sila pa raw ang nadedehado! Tulad ni Emil, hindi niya tunay na pangalan, halinhinang walang awang pinagsamantalahan ng iba't ibang lalaki sa mainit na disyerto sa Kuwait Nanatiling tahimik si Emil sa nangyari. Pilit man niyang limutin, tila nakaukit na sa kaniyang pagkatao ang pangaabusong naranasan niya. Ang tangi niyang hiling hustisya! Ano nga ba ang laban ng mga kalalakihang OFW sa ganitong paninirang puri sa kanilang pagkatao? Ang buong detalye sa OFW Diaries Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi!