Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris camp says James Yap can visit Baby James but…


Handa raw ang presidential sister na si Kris Aquino na bigyan ng karapatan ang mister na si James Yap mabisita ang kanilang anak na si Baby James o Bimby. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ng abogado ni Kris sa panayam sa telepono, na kailangan lang na mapagkasunduan ng mag-asawa ang terms and conditions sa visiting right sa kanilang anak. Nitong Lunes ay naghain ng petisyon sa korte si James na makita ang anak dahil dalawang linggo na umano niya itong hindi nakikita. Sinabihan umano siya ni Kris na hindi muna makikita si Baby James hanggat hindi natatapos ang annulment case na inihain ng TV host-actress. Bukod sa kahilingan na makita ang anak, pinalagan din ng sikat na professional basket player na si James ang plano ni Kris na alisin ang Yap sa apelido ng kanilang anak para maging Aquino na lamang ang bata.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Atty. Ann Sharlyn Lapuz, abogado ni Kris, ang pagpapalit ng apelido ni Baby James ay bahagi ng legal consequence kapag tuluyang pinawalang bisa ng korte ang kanilang kasal. “One of the things kasi, yung consequence talaga ng petition is that the common children will be declared illegitimate, and we thought that it’s only proper that if that’s the case, that the son should take after the mother’s name," paliwanag ni Atty. Lapuz. Ngunit kinontra ito ni Atty Lorna Kapunan, abogado ni James: “How can that be? How can you declare a child illegitimate when a marriage is declared under Article 36? We don’t think the ground they used is legally feasible under the fact stated in their own petition." Iginiit ng kampo ni James na legal ang kasal nito kay Kris kaya imposibleng maideklarang illegitimate ang kanilang anak na si Baby James o Bimby. – FRJimenez, GMANews.TV