Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Family is number one priority for Zoren and Carmina


Matapos ang kanilang unang linggo on air sa Love ni Mister, Love ni Misis, nalaman ng mga Kapuso viewers kung gaano ka-special ang pagmamahalan nina Zoren Legaspi and Carmina Villaroel sa isa’t isa. Hindi lang ang mga viewers ang nag-e-enjoy sa bagong morning show ng reel at real life couple na sina Zoren at Carmina, kundi pati ang kanilang kapwa artista na sobrang happy sa success nilang dalawa. Very evident ito, lalong lalo na sa kanilang mga naging guests noong birthday celebration ni Carmina last Monday (August 16) na super supportive sa kanilang show. Even the De Belen sisters who used to be Carmina’s co-hosts on SiS were present para batiin hindi lang ang kanilang sister, kung hindi pati si Zoren for the success of the their new show. Isang reunion of sorts ang nangyari, and for the first time nagsalita ang dalawa kung ano ba ang naramdaman nila noong mawala ang kanilang morning show. Halatang na-miss nila ang isa’t isa but Gelli and Janice were very happy na Carmina is doing great sa kanilang morning show ni Zoren. “You have everything, I just want you to have joy in your heart always and know that I will always be here," ang emotional na sinabi ni Gelli para sa kanyang kaibigan. Pero kung meron mang isang bagay na napatunayan ang mag-asawa while doing the show is that their number one priority is their family. Sabi nga ni Carmina noong kumanta sina Zoren, Mavy at Cassy for her birthday: “Sobrang happy na ako, kahit eto na, kahit closing na, okay na ako. And Mavy and Cassy, thank you for being here, thank you for being my life. You are my soul and you are my heart. I love you guys." At siyempre ang message niya for Zoren, “Tatay, hindi mangyayari lahat ito kung wala ang inputs mo, wala kang ibang hangarin kung hindi mapaligaya ako ng bonggang bongga sa birthday ko, thank you so much tatay and I love you." - Loretta G. Ramirez, iGMA.tv
LOADING CONTENT